Local News

Pagkatapos mo mag-PNP Chief, Pwede Kita Dagukan! – Tulfo

“Halika nga sandali. Pagkatapos mo mag-PNP Chief pwede na kita madagukan,”

Sa kanyang programang Bitag Live, binanatan ni Ben Tulfo si Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde dahil umano sa naging komento nito.

“Oca-oca, makinig ka! Total hanggang Oktubre ka na lang diyan, dapat pumalit na sa iyo si Guillermo Eleazar. Maling-mali ang sabi mo na kapag kasalanan ng tatay ay kasalanan din ng anak,” sabi ng Tulfo.

Binanatan ng beteranong mamamahayag ang pagtanggal ng PNP sa security details sa kanilang magkakapatid.

Sapul din kay Tulfo ang “pagsawsaw” umano ng ilang PMA brotherhood sa isyu sa pagitan ni Erwin Tulfo at ng dating heneral at ngayo’y DSWD Secretary na si Rolando Bautista.

Hindi rin nagustuhan ni Tulfo ang pagtanggal sa lisensiya sa baril ni Erwin.

“Ang lisensiya ng baril ay puwede mong tanggalin kung sakali you committed a crime, tinutok mo, o abusado ka. Kung sasabihin ninyo ay ang lisensiya ng baril ni Tol Erwin ay ikakansela niyo. Dahil lamang nagsalita?…Nabuwsit kayo dahil tinamaan ang brotherhood niyo. Putres na brotherhood itop. Kung ganyan na lang, ‘wag tayong maglokohan,” banat pa ni Tulfo.

Source: Bitag Official

Leave a Reply

Theme by Anders Norén