Local News

Pagkatapos ng Abril 30, Isa pang Quarantine Extention gusto ng mga Negosyo ayon sa Presidential Business Adviser

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, gusto pa daw ng mga negosyante ng isa pang “reset” o pangalawang quarantine extension pagkatapos ng Abril 30. Ito raw ay paa masigurado na naging mabisa ang tugon ng gobyerno laban sa coronavirus disease 2019 (covid-19) outbreak.

“Ang dalawang reset ay puwede na, pero ang gusto ng maraming negosyante para sigurado ay gumawa pa tayo ng isa pang reset… Ito ay para ‘yung nagawa nating dalawang reset ay hindi masasayang,” sabi ni Concepcion.

Sinabi ito ni Concepcion matapos aprubahan ni Pangulong Duterte ang pagpapalawig ng quarantine.

“Provided, that all exemptions granted by the Office of the President or the IATF shall continue to be in effect for the duration of the extended ECQ… Provided further that such extension of the ECQ shall be without prejudice to the discretion of the President to relax the implementation of the ECQ in some local jurisdictions, or the granting of exemptions in favor of certain sectors, as public health considerations and food security may warrant,” sabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Paliwanag pa ni Nograles, kinakailangan ang quarantine extension upang malaman ng pamahalaan ang naging epekto ng “enhance community quarantine” at para lalong mapaigting ang COVID-19 testing. Umaasa rin ang opisyal ng Malacañang na makahanap o matuklasan na ang bakuna laban sa coronavirus.

“Iyun po ang game plan. We need to push the peak kasi hindi pa natin nakikita ang peak. Kung lahat po ito ay magagawa natin, sinasabi ng mga eksperto maaari nating ma-push pa lalo ang peak ng COVID-19 dito sa Pilipinas as far as 2021. Sana by that time makapaghanap na ng vaccine ang mundo,” sabi ng opisyal.

Ilan sa mga hakbang na ginawa ng pamahalaan para masuportahan ang mga Pilipinong lubos na apektado ng covid-19 ay ang paglalaan ng bilyon-bilyong tulogn pinansiyal.

Source: GMA News | CNN Philippines | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: