Local News

Paglabag sa Child Abuse Law ‘Pag Nilapastangan mo ang 18-Anyos Pababa – Ret. Journalist

Laman ngayon sa mga ulat ng ilang media outlets ang pagsisiwalat ni former Overseas FIlipino Worker Sara Balabagan na si Arnold Clavio ang ama ng kanyang panganay.

Sa paglalahad ni Balabagan, binunyag nito na gustong ilihim ni Clavio ang kanilang relasyon at ang bata.

Ginawa daw ni Balabagan ang pagsisiwalat para matuldukan na ang mga haka-haka tungkol sa kanyang unang anak.

“Kaya ko to ginagawa dahil after 22 years, lumabas na naman. Sabi nga nila, walang bahong hindi lalabas… Hindi naman po ako nalungkot dahil by God’s grace, masaya na ako sa buhay ko… Idinagdag pa niya na siguro ay will ng nasa Itaas ang mga nangyayari para maitama niya ang lahat ng dapat maitama… Hindi naman po habambuhay, e, buhay ako para sagutin ang mga haka-haka at mga tsismis na ‘yan… Paano ‘pag wala na ako sa mundo? Tapos hindi ko ito kinorek? Baka mamaya maging multo pa ito sa anak ko… Ang sabi kasi sa akin noon ni Arnold, e, walang aminan. Kahit ano raw ang mangyari, e, ‘wag akong aamin… I was 17 years old nu’ng mga panahon na ‘yun at talagang napaniwala niya ako,” sabi ni Balabagan.

Si Balabagan ay naging laman ng balita noong dekada nobenta dahil sa pagkakapiit niya sa United Arab Emirates dahil sa kasong pagpatay. Base sa mga dating ulat, napatay ni Balabagan ang kanyang amo matapos pagtangkaan siyang gahasain.

Kasunod ng naging pagbubunyag ni Balabagan ay nagpost naman ang retiradong mamamahayag na si Jay Sonza sa kanyang social media account. Ayon kay Sonza, paglabag sa Child Abuse Law ang pag lapastangan sa mga menor de edad.

“FYI. Violation of RA 7610 o Child Abuse Law kapag gumawa ka ng kalapastanganan laban sa isang below 18 years old,” banat ni Sonza.

Mapapansin na sinabi ni Balabagan na 17-anyos daw siya noong may nangyari sa kanila ni Clavio.

Pinasasaringan kamakailan lang niClavio ang pagtugon ng Duterte Government sa covid-19 pandemic.

Source: Jay Sonza | Remate

Leave a Reply

Theme by Anders Norén