Local News

Paglaban ni DU30 sa Oligarchs, Kinuwestiyon ni GMA Host Winnie Monsod!

“President Duterte has been going against oligarchs—at least that is the spin for the benefit of the masa. But is he really doing that, or is there something else afoot, other objectives, like controlling the media and/or helping his cronies?”

Ganito ang naging boladas ni GMA News TV host Solita “Mareng Winnie” Collas-Monsod sa giangawang paglaban ni Pangulong ROdrigo Roa Duterte sa mga oligarko sa ating bansa.

Magugunita na nitong umpisa ng Disyembre 2019, ibinunyag ni Pangulong Duterte ang diumano’y tagilid na kontrata sa pagitan ng mga water concessionaires na Maynilad at Manila Water sa gobyerno. Dahil dito sinabi ng Pangulo na kakasuhan ang kumpanya ng economic sabotage.

Sa huling bahagi naman ng Disyembre ay muling nagbanta si Pangulong Duterte na hindi ire-renew ang prangkisa ng ABS-CBN. Ilan sa mga dahilan ni Pangulong Duterte ay ang hindi pag-e-ere ng istasyon ng kanyang campaign ads noong election 2016 habang inere ang black propaganda ni former senator Antonio Trillanes laban sa kanya. May sinabi din kamakailan si Pangulong Duterte tungkol sa utang umano ng mga may-ari ng ABS-CBN sa Development Bank of the Philippines (DBP) na hindi binayaran.

Sa parehas na artikulo, inalala ni Monsod ang ginawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos laban sa ABS-CBN.

“Almost 50 years ago, the dictator Marcos also railed against the Lopezes as oligarchs. He jailed Geny Lopez Jr. (who, five years later, made his famous escape), took over the Lopez holdings (including their two TV stations and Meralco), and gave them to his own relatives and cronies. Lopez wasn’t the only “oligarch” he destroyed. There were the Jacintos, too, and others. But the point is that he then created a new oligarchy, composed of his relatives and cronies, some of which exist even today,” banat pa ni Mareng Winnie.

Source: Inquirer | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén