Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Pagpapapatay kay Duterte Posibleng Kasama sa “Oust DU30 Plot” ayon sa Former Councilor!

Nananawagan si former Quezon City Councilor Anthony Castelo sa mga Pilipino na ipinalangin ang kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Maaring may banta daw ng pagapapatay sa Pagnulo lalo’t lumabas na mayroong tangkang pagpapabagsak sa gobyerno.

“I strongly believe that there’s a serious ‘Oust Duterte’ plot now in full swing that may include the assassination of the President as an option… We must pray for the safety of the President and protection of our country,” sabi ni Castelo.

Sinabi ni Castelo ang kayang opinyon ilang linggo matapos ilabas ng Malacañang ang matrix kung saan ilang mamamahayag ang lumalabas na sangkot sa pagpapabagsak sa gobyerno ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng black propaganda. Ang matrix ay may kaugnayan sa Bikoy videos na naglalaman ng paninira sa pamilya at malalapit sa Pangulong Rodrigo Duterte. Sinisiraan ni alyas Bikoy ang mga ito na sangkot daw sa droga.

“We’ve seen this happen during the time of president [Ferdinand]Marcos in 1986 and president [Joseph] Estrada in 2001 — where a planned assassination of both presidents were indeed an option, it just did not materialize,” dagdag pa ni Castelo.

Hindi naman nababahala si Presidential Spokesperson Sal Panelo sa kaligtasan ng Pangulo. Ayon kay Panelo, ginagawa naman daw ng Presidential Security Group ang trabaho nito at hindi rin takot ang Pangulo na mamatay para sa mandato nito.

“The PSG knows its job. Another thing, alam mo, this President couldn’t care less whether you assassinate him. ‘Yun nga ang kagandahan sa Presidenteng ito, e, daredevil. He dares everyone, ‘e ‘di patayin niyo kung gusto niyo, basta I’ll work, that’s my mandate,” pahayg ni Panelo.

Magugunitang ilang ulit na rin sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika ang dapat sisihin kung sakaling mapatay siya. Sinabi na rin dati ng Pangulo na may ilang media organizations sa ating bansa na nakakatanggap umano ng pondo mula sa CIA.

Source: The Manila Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén