Local News

Pagsampa ng Kaso kay Leni ay Isang Harassment, sabi ni Kiko!

Kahapon ay sinampahan na ng kasong sedition, inciting to sedition, cyber-libel, libel, estafa, harboring of criminal at obstruction of justice sa Department of Justice (DOJ) si Vice President Leni Robredo at ilang politiko at personalidad na konektado sa oposisyon kaugnay sa black propaganda videos laban sa Pamilya Duterte na may pamagat na “Ang Totoong Narcolist”. Nilalaman ng videos series ang mga akusasyon na konektado umano ang pamilya ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakalan ng droga.

Sa isang pahayag, tinawag ni Senador Kiko Pangilinan na panggigipit ang reklamo inihain laban kay Robredo.

“Ginagawa ito ng mga kalaban ng demokrasya dahil si VP na lang ang nakaharang sa kanilang hangarin na ituloy ang patayan sa huwad na war on drugs nang walang nananagot, ang pagbenta ng Pilipinas sa China, at ang panghabambuhay na paghahari-harian nila sa bansa,” boladas ni Pangilinan.

Mismong ang Philippine National Police – Criminal and Detection Group ang nagsampa ng kaso laban kkina RObredo, current senators Risa Hontiveors at Leila De Lima, ex-senators Antonio Trillanes at Bam Aquino at ilang miyembro ng Otso Diretso senatorial candidates,

Sabit din sa kaso ang ilang alagad ng simbahan at ilang opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

“Political harassment at persecution ang ginawang pagsampa ng kaso ng sedition, inciting to sedition, at kung anu-ano pa kina Vice President Leni Robredo at sa ating mga kaalyado sa Senado at sa mga kandidato natin sa Otso Diretso, at maging sa mga sumuporta sa ating mga taong-simbahan” banat ni Pangilinan.

“Gawa-gawa, kasinungalingan, at walang basehan sa katotohanan ang mga paratang,” dagdag pa ni Pangilinan.

SI Peter Joemel Advincula ay lumitaw sa publiko sa pasilidad ng IBP noong huling bahagi ng Abril para magpakilala na siya si “alyas Bikoy” sa viral videos. Iginiit din niya noon na sangkot ang kaanak ni Pangulong Duterte sa droga. Kalaunan ay binawi niya ang kanyang akusasyon at itinuro ang oposisyon na utak sa videos.

Source: GMA News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén