Local News

Pagsapubliko ng ‘Narcolist’, paraan ni DU30 para Isalba ang Pekeng Drug War – Alejano

Hindi bilib si Otso Diretso senatorial candidate at Magdalo COngressman Gary Alejano sa pagsasapubliko ni Pangulong Rodrigo DUterteng listahan ng mga umano’y pulitikong sangkot sa droga. Tinawag pa ni Alejano na desperado ang naging hakbang ng kasalukuyang gobyerno para isalba ang laban kontra droga sa mata ng mga kababayan natin.

“This is a desperate act to save their fake drug war before the eyes of the public,” sabi ni Alejano.

Hinalintulad din ni Alejano ang kampanya ng pamahalaan sa isang palabas.

“Para tayong nasa narcoserye na ang pabida ay ang Pangulo. Paulit-ulit lamang ang mga patutsada, maglalabas ng mga pangalan, magkakaroon ng susunod na kabanata pero wala namang nakukulong. Let us not fall into their propaganda,” boladas pa ni Alejano.

Para pa kay Alejano, pang-aabuso lang daw sa kapangyarihan ang ginawa ng gobyerno.

Ang mga banat ni Alejano sa kasalukuyang administrasyon ay tila salungat sa naging resulta isang survey. Magugunitang may survey na nagsabi mas kakaunti na raw ang mga durugistang nakikita ng mga Pilipino sa kailang lugar. Sa kampanya ng kasalukuyang pamahalaan ay mayroon din mga big-time personalities na napulbos tulad na lang ni Ozamiz Politician Reynaldo Parojinog na kasali sa drug watch list ng pamahalaan. Isa pa sa mga high-profile personalities ay si Senadora Leila De Lima na nakapiit ngayon dahil na rin sa pagkakasangkot nito sa kalakaran ng droga.

Source: INQ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén