Local News

Pagtakbo sa Pagka-Presidente, ‘Anything is Possible’ ayon kay Leni!

“Lahat naman posible dahil iyon nga, iyong history pinakita na ako, hindi ko naman pinlano kahit ano,”

Ito ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo sa isang speaking engagement sa Naga City. Pero nilinaw ni Robredo na masyado pa raw maaga para pagtuonan ito ng pansin. Mas marami pa raw problema na dapat masolusyunan

“Tingin ko kasi iyong presidency, ano iyon, destiny. Kahit anong paghahanda mo, kung hindi iyon para sa iyo, hindi talaga para sa iyo. Kaya tingin ko talaga, hindi tama na maghanda ka na ngayon,” ani Leni.

Ayon pa sa Bise Presidente, maaring makasira sa mga programa at proyekto ang mga amibisyong politikal.

“Halimbawa sa akin, mayroon kaming anti-poverty program sa Office of the Vice President. Kapag pagkandidato ng 2022 ang aking iniisip, iyong lahat na gagawin ko, pulitika na at masisira iyong programa namin,” sabi pa ni Leni.

Magugunita na noong nakaraang eleksyon ay bokya ang inabot ng oposisyon sa senatorial elections.

Source: GMA News | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén