Local News

Biglang Pagtanggal ng ABS-CBN kay Singer Daryl Ong, Hindi Pinaglaban ng mga Kapamilya Talents?

Kahapon ay naglabas ng video ang sikat na singer na si Daryl Ong upang ialhaad ang tunay na nangyari kung bakit siya tinanggal sa ABS-CBN.

Ayon sa mang-aawit, nagkomento lang daw siya tungkol sa ABS-CBN franchise issue pero bigla na lang umano siyang tinanggal ng ABS-CBN.

“Sabi ni Bugoy na 60 thousand na lang yung kulang para mabuo yung 1 million. Ako naman nakita ko rin yun, ang pagkakakita ko naman 60 thousand pa lang yung nagsa-sign.. May deadline po kasi yun… So sabi ko kay Bugs, wala na ‘yan malabo na ‘yan, hindi na yan aabot kasi 60 thousand pa lang at anong petsa na… Tapos nagdagdag ako ng comment na sabi ko mahirap yan, naku malabo na yan mahirap yan, kalaban ba naman nila ang gobyerno, si Presidente ba naman ang kalaban, so malabo na yan… Hindi po namin alam na ‘yung isang katabi namin sa table, ‘yung sinasabi ko na isang lalaki pa, akala ko kasi, kaibigan ‘yun nung babae na ka-kwentuhan namin na dating nagwo-work sa ABS… It turns out hindi niya pala kilala ‘yun… So nire-record pala kami, ‘yung usapan namin, hindi namin alam,” sabi ni Ong.

May banat ngayon ang radio host at blogger na si Mark Lopez sa mga artistang umaasta na mga aktibista.

“Wala bang mga artistang aktibista ang concerned kina Daryl Ong at Bugoy Drilon?

Hindi ba kasama yang dalawa sa 11,000 na pinaglalaban nyo?” buwelta ni Lopez.

Ang banat na ito ni Lopez ay umani ng libo-libong reaksyon sa social media at nabibahagi na rin ng higit 1,000 beses.

Magugunita na noong pinatigil ng National Telecommunication Commission (NTC) ang ABS-CBN sa pag-ere, ilang mga sikat na artista ng istasyon ang bumoladas tungkol sa estado ng 11,000 empleyado ng Kapamilya network. Ilan sa mga artistang ito ay sina Kim Chiu, Coco Martin, Vice Ganda at Angel Locsin.

Source: Mark Lopez

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: