Local News

Pagtawag na “BOBA” kay Leni, Dapat Panagutan ni Sec. Locsin – Kiko Pangilinan

Sa mga serye ng social media post, sinabi ni Senador Kiko Pangilinan na dapat managot si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy “Boy” Locsin sa pagtawag nito na “boba” kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Pangilinan, paglabag daw sa Republic Act 6713 or the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang ginawa ng kalihim.

“His insult and mockery were very unprofessional and he should be made accountable for it,” the senator, who is also Liberal Party president… This kind of mocking and rudeness has no space in a civilised society, especially coming from the secretary of the Department of Foreign Affairs that is the chief office for diplomatic affairs,” sabi ni Kiko.

Magugunitang kinontra ni Robredo ang pinaplanong hakbang ng DFA para kanselahin ang lahat ng diplomatic passports matapos gang naging isyu ni dating DFA Secretary Albert Del Rosario kamakailan lang. Magugunita na hinarang si Del Rosario sa Hong Kong at pinabalik sa Pilipinas kahit may gamit itong diplomaktic passport.

“Ang reaksyon ng bansa natin imbes na ipagtanggol iyong mamamayan ng Pilipinas, parang sinisi pa at kinancel… Kaya naglalagay ng pangamba, pagkalito sa iba nating mga kababayan. Sino ba iyong kinakampihan ng ating gobyerno?… Bakit ki-nancel ngayon kung kailan nagkaroon ng problema. Kung talagang hindi dapat iyon ginagamit ng mga dating opisyal ng DFA, dapat noong natapos ‘yung termino, obligasyon ng DFA na i-cancel,” sabi ni Robredo.

Ang komento na ito ang dahilan kung baklit tinawag ni Locsin na boba si Robredo.

“Robredo warns against cancellation of diplomatic passports of former gov’t officials HEY, BOBA, THAT IS PRECISELY WHY I HAVE ORDERED THE CANCELLATION OF ALL COURTESY DIPLOMATIC PASSPORTS BECAUSE I REFUSE TO SINGLE OUT DEL ROSARIO,” buwelta ni Locsin kay Robredo.

Matapos ang ilang oras ay humingi rin ng paumanhin si Locsin kay Robredo.

“I don’t mean to be disrespectful Ma’am. You are just a missing heartbeat away from the Presidency. I respect you for that accident of fortune. But there are things that require a measure of study & thought. Please ask me next time. At your service, Ma’am.,” ani Locsin.

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén