Local News

‘Pahirap ka sa Pasahero’ Renato Reyes, Sinupalpal ni MMDA Official Pialago

Matapos bansagan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago ang transport strike na “hindi matagumpay”, binoljak naman niya si Bayan Muna Secretary-General Renato Reyes.

“Tigilan mo ko Renato Reyes. Tigilan mo kaka-strike mo para pahirapan ang mga pasahero dahil hindi ka magtatagumpay,” buwelta ni Spokesperson Pialago.

Hinamon din ni Pialago si Reyes na magsagawa ng tigil pasada ng buong isang taon.

“Kung kaya mong mag-transport strike ng isang taon baka sakaling magtagumpay ka. One day? Try harder,” hamon pa ni Pialago.

Sa isang panayam, sinabi ni Pialago na hindi hahayaan ng gobyerno na magtagumpay ang pang-aabala ng mga nagkikilos-protesta.

“The transport groups’ basis of success is if they paralyzed institutions like schools and offices. Well, technically speaking that’s what they believe in, but for us, they were not successful, the government would never allow them to be successful,” saad ni Pialago.

Iginiit din ni Pialago na hindi kayang mag-protesta ng transport group araw-araw dahil mismong kabuhayan nila ang maapektohan.

“And let’s be real on this matter, they cannot do this everyday. So they cannot threaten the government; classes and work were suspended not to show that government is afraid of them, rather it is only out of concern for the commuters’ welfare,” sabi pa ni Pialago.

Ngayong Lunes ay nagsagawa ng transport strike ang ilang miyembro ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston), the Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), and Stop and Go sa ilang bahagi ng bansa. Dahil sa tigil pasada, napilitan ang ilang Local Government Units (LGU) na kanselahin ang pasok sa mga eskwelahan.

Inaalmahan ng mga transport groups ang jeepney modernization program ng pamahalaan na naglalayon na mapalitan ang mga lumang jeepney na may 15 taon na.

Layon ng gobyerno na mapalitan ang mga lumang jeepney sa kalsada upang makasunod Euro 4 standards. Sa Euro 4 engines, mas kaunti ang ibubugang toxic emissions.

Source: Philippine Star | Inquirer

Leave a Reply