Local News

Kuryente? Drilon, Nag-Sorry dahil sa Maling Impormasyon sa SEA Games Cauldron!

Humingi ng paumanhin si opposition senator Frank Drilon kay Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president Vivencio “Vince” Dizon matapos sabihin ng senador na ang biyenan ni Dizon ay si National Artist Francisco “Bobby” Mañosa, ang nagdisenyo ng P50 million na cauldron na gagamitin sa South East Asian (SEA) Games na gaganapin sa Pilipinas. Si Dizon ay isa sa mga event’s organizers.

“I would like to correct my statement in Headstart this morning about the relationship of the architect who built the SEA Games cauldron, the late Architect Bobby Mañosa, and BCDA Pres. Vince Dizon. They are not related. I was wrong in my information. I apologize to Dizon,” sabi ni Drilon.

Naging laman ng balita ang cauldron o ang kawan na gagamitin sa SEA Games dahil sa pagkuwestiyon ni Drilon sa halaga nito.

Ang mga batikos ni Drilon sa cauldron ay sinagot na ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

“The cauldron is not one of the symbols — it’s the symbol of the games, whether it’s Olympic games or SEA Games… It’s a work of art. While some people see it as a cauldron, we see a monument. We see the athletes, we see the burning flames that represent hope and the fighting spirit. We think it is just appropriate,” paliwanag ni Cayetano.

Dinepensahan din ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang cauldron at niresbakan si Drilon sa ipinatayo nitong “coliseum”.

“Dito tayo sa kaldero gusto ninyo (pag-usapan natin)? Tama si Taberna. Ilang kilometro ng (kalsada) ang magagawa sa presyo ng coliseum ni Drilon? Ginagamit ba ang coliseum araw-araw?” buwelta ng Pangulong Duterte kay Drilon.

Hindi pinangalanan ni Pangulong Duterte ang “coliseum” ni Drilon pero maaalalang isa si Drilon sa nagpondo ng Iloilo Convention Center (ICC) gamit ang kanyang Disbursement Acceleration Program (DAP). Ang naturang convention center ay napaulat na may halagang P700 million.

Source: ABS-CBN | Inquirer | Ang Malayang Pilipino | GMA News | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén