Local News

‘Palamunin ng COVID ‘yung ulol’ PDU30, Nagsalita na sa Tarlac Shooting Incident!

“Pakainin ninyo ng COVID ‘yung ulol na ‘yon. Tsk, t*** i**,”

Sa kaniyang public address kagabi, nagbigay na ng pahayag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte tungkol sa nangyaring pamamaril ng pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac. HHindi napigilan ng Presidente ang galit nito sa nangyari. Ayon sa Pangulo, pati daw siya nay natulala noong mapanood niya ang footage ng pamamaslang.

Ipinaalala din ng Presidente na handa siyang protektahan ang mga pulis at sundalo basta naaayon sa batas ang kanilang mga aksyon.

“Unahin ko lang ‘yung pulis nakita ko ‘yung TV. Baka hindi ninyo talaga nakuha ha pero I don’t think that… Isa lang itong klaseng pulis na ‘to. May sakit ito sa utak. Topak. And I’m just wondering why he was able to — nakalusot sa neuro. You could detect a person by the way he answers in a — ‘yung mga tests sa neuro. Tarantado ‘yung g*** na ‘yon.

‘Di ba sinabi ko: You do it right, I’m with you. You do it wrong, and there will be a hell to pay. Iyon ang sinabi ko sa aking SONA.

Ang akin dito ulitin ko: Do your duty enforce the law. Your actions must be in accordance with the law. You do not follow the law, mag-salvage ka, magpatay ka diyan, then I’m sorry, that is not part of the agreement of how we should do our work.

Sinabi ko I think a dispute of land or boundary something — ah right of way. Tapos ano — parang itong… Kayong mga…

Hoy, kayong mga pulis ha mahal ko kayo kasi nagta-trabaho kayo. Nakita naman ninyo kung gaano ko kayo kamahal. I went to the extent of going to Jolo to just pay homage to the bravery of our policemen and soldiers.

Pero kayong may mga sakit, may mga topak ah… And I am sure that by now, he should not be allowed to go out because double murder ‘yon eh. Double murder is a serious offense, a grave offense. So from the time you are arrested up to the time that you are haled to court to answer for the death of those two persons, innocent ones, walang bail ka. So ‘pag nahuli ka, diretso-diretso na ‘yan. And I don’t think that you can escape the rigors of justice because nakuha sa TV pati ako napanganga. Kawala walang kwenta. That’s unfair and brutal masyado,”

Source: PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén