Local News

Pamamayagpag ng Online Trolls, Sinisi ni Leni kay PDU30!

Tila sinisisi ngayon ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo ROa Duterte sa pamamayagpag ng mga online trolls sa social media.

Boladas ni Robredo, dapat daw gumawa ng paraan si Pangulong Duterte upang pagbuklorin ang mga Pilipino. Ayon pa sa kaniya, wala daw kakayahan ang kanilang kampo ng mag-arkila ng mga trolls dahil wala daw silang pambayad.

“Parati kasing obligasyon noong nananalo (na) i-unify ‘yung tao… Parang ngayon, hindi ‘yun nangyari. Ang nangyari tuloy, naging very divisive ‘yung leadership. Alam natin na ang dami-daming social media trolls na obviously binabayaran. Hindi natin alam kung sinong nagbabayad, maraming mga speculations. Pero dapat sana hindi ito hinahayaan, kasi ito ‘yung nag-divide sa ating lahat… Yung masama nito, fake news talaga ‘yung ginagamit. Parang ‘yung kapital ‘yung fake information, and tine-take advantage ‘yung fact na puwede mo kasi itong gawin na anonymous ikaw dahil sa nature ng social media ngayon… Siguro mas nasa mabuti tayong kalagayan ngayon kung ang tao mas cooperative, kung ang tao nagkakaintindihan. Hindi mawawala iyong alitan, pero hindi sa level na masyadong polarized—parang kung Dilawan ka, Dilawan ka, kung DDS (Diehard Duterte Supporter) ka, DDS ka. Dapat sana hindi ganoon… Dapat iyong pinag-aawayan ay ‘yung issues. Dapat walang linyahan ng kulay kasi matagal nang tapos ang eleksyon. ‘Yung opportunity to unite, hindi ginamit. Kabaligtaran ‘yung nangyari… Hindi siya okay in the sense na mga Pilipino naman tayong lahat, bakit ba tayo mag-aaway, na whether we like it or not, in the succeeding years, tayo din iyong magkakasama? Pero para sa akin, para mag-hire, para mag-hire para manira, tingin ko mali ‘yun,’ boladas ni Robredo.

Source: News5 | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén