Local News

Pamangkin na Kritiko ni DU30, Hinuli dahil sa Paggamit ng Commemorative Plate na may Mukha ng Presidente!

Hinuli ng mga alagad ng batas sa Lungsod ng Davao si Nuelle Duterte, pamangkin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, dahil sa paggamit ng invalid US driver’s license. Ayon kay Director Neil Cañedo ng Land Transportation Office (LTO) – Davao Region, gumagamit din daw itong si Nuelle ng commemorative plate na may mukha ni Pangulong Duterte.

Si Nuelle, kahit na may apilyedong Duterte ay hindi sumusuporta sa Pangulo. Sa katunayan, naglabas ang Rappler ng artikulo tungkol sa kanya at kung paano niya kinamumuhian ang Presidente. Ilan sa mga sinabi ni Nuelle sa naturang artikulo ay ang hindi niya pagiging kumportable na tawaging “tito” si Pangulong Duterte.

“Imagine when I have to introduce myself to colleagues, patients, and their families. I always hope they don’t pay attention to world events… They like to tell me how much they admire him. I used to just cringe inside, but now I say he kills people, to end the conversation… It still pains me to know that the name is now equated with ‘killer’ all over the world. But I want people to know that not every Duterte and not everyone from Davao is like that,” sabi ni Nuelle.

Si Nuelle ay suporter din ng opposition senatorial candidate na si Chel Diokno. Tinawag pa ito ni Nuelle na “the best one out there”.

Sa artikulo naman ng Inquirer, tinawag ni Nuelle ang tito niya bara-bara kung gumawa ng mga bagay at wala raw nasosolusyunan.

“He is not a problem-solver. He is a fixer, someone who uses shortcuts to get things done in a sloppy manner. Nothing is solved, just temporarily abated,” ayon kay Nuelle.

Source: ABS-CBN | Rappler | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén