Local News

Pamasko ni Duterte ay Patayan! – Leftist Congresswoman, Gatong sa Tarlac Shooting Incident!

Matinding usapin ngayon sa social media ang nangyaring pamamaril ng off-duty na pulis sa kapitbahay nito sa Paniqui, Tarlac. Base sa mga ulat, nag-ugat ang bangayan ng suspek at ng mga biktima dahil sa pagpapautok ng boga ng isa sa mga nasawi. Ayon sa pa sa mga karagdagang mga impormasyon, matagal na rin daw na may alitang ang dalawang panig dahil sa lupa.

Pero para kay Gabriela Partylist Congresswoman Arlene Brosas, dapat daw managot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyaring insidente. Tumaas daw kasi ang “impunity” sa bansa dahil sa Presidente. Putak pa ni Brosas, kada taon daw ay patayan ang pamasko ng Duterte Government sa mga Pilipino.

“Taon-taon, tampok na pamaskong handog sa mga pamilya ang kaliwa’t kanang pagpatay at karahasan sa pangunguna ni Presidente DUterte at ng AFP-PNP…

Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca should be punished for his crimes. But most importantly the Commande-in-Chief President Duterte should be held accountable to the rise of impunity in the Philippines,” boladas ni Brosas.

Ang kuda ni Brosas ay kontra sa naging pahayag ng MalacaƱang. Sinabi ng tagapagsalita ng Presidente na hindi poprotektahan ng Pangulo ang suspek kahit na ito ay pulis. Nilinaw din ng Palasyo na hindi tumutupad sa tungkulin ang pulis nang mangyari ang krimen.

“Kinukundena natin ang nangyari diyan sa Tarlac. At lilinawin ko lang na hindi ito service related na double murder. Ito po ay kung hindi tayo nagkakamali ay isang away daw tungkol sa pag posisyon sa lupa. So ang pulis pong iyan ay hindi pwede mag-invoke ng kahit anong depensa na may kinalaman sa kaniyang katungkulan. Ito po ay tatratuhing ordinaryong murder case, iimbestigahan, kakasuhan, lilitisin at papaparusahan natin ang pulis na iyan. No ifs, no buts, magkakaroon po ng katarungan dahil nakita naman natin ang ebidensiya ng pangyayari. Hindi po iyan poprotektahan ng Presidente, kinukondena natin iyan,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: