Local News

Pambababoy sa Bagong Linis na Manila Underpass, Tinawag na “Sining” o “Art” ng Leftist Group!

Base sa ulat ng GMA News, kumpirmadong mga leftist groups ang nasa likod ng pambabalahura at pambababoy sa bagong linis na underpass sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa leftist group na Anakbayan, ang gumawa daw ng pagsusulat sa pader ng underpass ay ang grupong Panday Sining na isa ring left leaning organization.

Paliwanag ng mga grupo, ang ginawa daw pagsusulat sa pader ay isa umanong uri ng sining o “protest art”. Sa pamamagitan daw nito ay naipapahayag daw nila ang kanilang ipinaglalaban at sentimiyento laban sa pamahalaan.

Ikinalungkot naman ng Manila Tourism & Cultural Affairs Bureau ang ginawang pambabalahura ng mga leftist group sa bagong linis na underpass.

Hindi naman napigilan ng ilang kababayan natin na batikusin ang maglabas ng sama ng loob laban sa mga leftist groups.

“Puro kau kalokohan, sining bang matatawag ang pagdungis sa pader , pinalinis at pinaganda yan ng butihing mayor Isko, kau dudumihan nio lang, Mga lapastangan, nagsipag- aral nmn cguro kau!!! Bkit d wasto ang inyong mga kilos at gawa,” sabi ni J. Fernando.

“Art protest? Pinapaganda pa ninyo ang termino ng bandalismo na pinaggagawa ninyo! Kahit saang anggulo yan tignan, bandalismo pa rin iyan. Imbes na makinig ang tao sa mga ipinaglalaban ninyo, lalo lamang ninyo ginagalit ang karamihan.. walang masama kung aktibista ka, ginusto mo yan karapatan mo yan.. subalit kung may ibang karapatan at pag aaari na nayuyurakan, ibang usapan na yan,” sabi ni L. Umlas.

“Paanong naging Art Yan ?? perwisyo Kayo sa bayan.. sinisikap na linisin at pagandahin Ang maynila Kayo Naman sige sa pagbaboy sa pamamagitan Ng tinatawag nyo “Art protest”.Sana maging magandang ihemplo Hindi inihahayag nyo Ang hinaing nyo sa nakakaperwisyong paraan,” sabi ni R. Gabriola.

” Pambihira kakalinis lang yan.. Walang awa sa mga naghirap magkuskos ng dumi jan… Tapos gganyanin lng nila.. Isa pa db nila naiisip na buwis ng taong bayan ang pinanggastos jan.. So sino ang talo!!! Wala talagang pagkakaisa.. Pwede namn magprotesta na hindi dudumihan ang kapaligaran.. Tas they will claim na sila ang makabayan” sabi ni M. Manrique.

Source: GMA News | It’s Me Charlie

Leave a Reply

Theme by Anders Norén