Local News

Pamilya ng Rebeldeng NPA na si Jevilyn, Bigyan ng Respeto, ayon kay Kiko!

Para kay opposition seantor Francis “Kiko” Pangilinan, dapat daw bigyan ng respeto ang pamilya ni Jevilyn Cullamat, ang miyembro ng New People’s Army na nasawi sa pakikipagbakbakan sa kasundaluhan. Si Jevilyn ay anak ng makakaliwang kongresista ng Bayan Muna na si Eufemia Cullamat.

“Some humanity should prevail eben in times of war. Gloating and mockery insult the memory of the dead and the pain of the grieving… I pray that Jeveilyn’s family be accorded respect and compassion as they mourn the death of their young girl. a medic in the rebel unit,” kuda ni Pangilinan.

Magugunita na ginawang isyu ng ilang sektor ang pagkuha ng litrato ng labi ni Jevilyn.

“The soldiers did not only disrespect her remains but even used it like a trophy for propaganda purposes.

Jevilyn’s death is a stark reminder intead to government that people continue to embrace armed struggle because of the continuous failure to address the root causes of the rebellion in our country,” boladas ng Makabayan Bloc.

Ganito rin ang anggulong isinusulong ng nanay ni Jevilyn na si Bayan Muna Representative CUllamat.

“Mariin kong kinokondena ang ginawang pambabastos at pambababoy sa labi ng aking anak. Hindi siya bagay, hindi siya isang tropeo na ipaparada para lamang sa propaganda ng militar… Hindi n’yo na ginalang ang patay, binabastos pa ninyo ang nagluluksa naming pamilya. Hinihiling ko sa militar na huwag gamiting tropeo ang bangkay nga aking anak… Bagama’t bilang isang ina ay nag-alala rin ako at masakit ang mawalan ng isang anak, nanaig pa rin ang respeto ko sa naging desisyon ni Jev,” patutsada ni Cullamat.

Ang NPA ay itinuturing na gobyerno ng Pilipinas na isang terrorist organization. Magugunita na isa si Senador Kiko na kumontra sa anti-terror bill noon.

Source: One News | archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: