Local News

Pamilyang Nagkasakit ng Coronavirus, Gumaling! Pati Sanggol, Bumuti ang Kalagayan!

Isang pamilyang dinapuan ng coronavirus ang gumaling at pinalabas na ng ospital sa Zhongshan, China.

Base sa ulat ng ilang media outlet, bumisita ang pamilya sa Wuhan City nitong Enero 10 hanggang 12. Matapos ang ilang araw, nagkaroon ng ubo at lagnat ang pamilya. Agad nakumpirma na nahawaan sila ng coronavirus nang magpa-ospital ang mga ito.

Ayon kay deputy director of Zhongshan No. 2 People’s Hospital Gao Wenjun, sina Wen, 36-anyos, maybahay nito na si Feng, 42-anyos, at ang kanilang sanggol na 11-buwan gulang ay ang unang tatlong coronavirus patients na pinayagang makaalis ng ospital.

Sabi ni Gao, ang sanggol daw ang pinakabatang pasyente na nagkaroon ng coronavirus sa syudad.

Puspusan naman ang ginagawa ng bansang Tsina para malabanan ang paglaganap ng coronavirus. May mga ospital na silang pinagawa sa loob lang ng ilang araw upang tumutok sa mga kaso ng coronavirus.

Kamakailan lang ay napabalita din na mayroong nang 243 na pasyenteng gumaling mula sa coronavirus at na-discharge na sa mga pagamutan.

Itinuring na ng World Health Organization (WHO) na “global health emergency” ang pagkalat ng sakit.

“The main reason for this declaration is not because of what is happening in China but because of what is happening in other countries… Our greatest concern is the potential for this virus to spread to countries with weaker health systems which are ill-prepared to deal with it… This declaration is not a vote of non-confidence in China… On the contrary, WHO continues to have the confidence in China’s capacity to control the outbreak,” sabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Bagama’t dineklarang “health emergency” ang coronavirus, hindi pa rin inirerekomenda ng WHO na limitahan ang pagbisita at pakikipag-negosyo sa China.

Kamakailan lang ay nagbigay na ng direktiba si Pangulong Duterte na magpatupad ng temporary travel ban sa sinumang manggagaling ng China. Hindi sakop ng travel ban ang mga kababayan natin.

Source: Inquirer | Inquirer | Bloomberg | WHO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén