Local News

Panalo ni Biden, may Implikasyon sa Liberal Party! – Leni

Para kay Vice President Leni Robredo hindi lang Estados Unidos ang nabigyan ng pag-asa sa pagkapanalo ni Biden, magkakaroon din daw itong ng implikasyon sa kanilang political party.

“After president-elect [Joe] Biden won the elections, parang mas naging hopeful ‘yung maraming tao in the sense na before kasi may air of resignation… Pero because of what happened in the US parang nabuhayan ulit ‘yung maraming tao,” boladas ni Robredo.

Binunyag naman ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na maarng maisulong ang pagbawi ng suporta ng Estados Unidos sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa ilalim ng Biden Administration.

“However, a recent bill filed by a Democratic representative which seeks to suspend military and police aid to the Philippines on the issue of human rights is something that could also come into play under the administration of President-elect Biden,” sabi ni Romualdez.

Ang tinutukoy ni Romualdez ay ang panukalang batas na inihain ni Pennsylvania Democrat Rep. Susan Wild na kanselahin ang ayuda sa Pilipinas hangga’t hindi nagkakaron ng pagbabago sa kapulisan at kasundaluhan. Sa nasabi ring panukala, kinundina rin ang war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“We are not saying that there are now human rights violations but people must also recognize that something is in fact being done such as the filing of cases against members of the police force who are themselves involved in the illegal drugs trade… As friends and allies, we can discuss these issues and the United States can also advise us but at the end of the day, they have to respect our sovereignty and recognize that we are an independent nation,” dagdag pa ni Romualdez.

Source: One News | Archive | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén