Local News

Panday Sining – Anakbayan, Sumigaw ng “Human Rights Violation” matapos Ideklarang Persona Non-Grata sa Maynila!

Kahapon ay idineklara nang persona non-grata ang grupong Panday Sining sa Maynila. Ibig sabihin ay hindi na welcome pumasok sa naturang lungsod ang mga miyembro nito.

Ang Panday Sining ay ang art wing ng leftist group na Anakbayan. Naging laman ng balita ang naturang grupo nang babuyin at binandalismo nila ang bagong linis na underpass sa Maynila. Humantong pa sa puntong nagbanta si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga aktibista na ipadidila sa mga ito ang mga dinumihang pader. Pero sa kabila ng banta ay ipinagpatuloy pa rin nila ang pambababoy sa lunngsod.

Sa isang pahayag, sinagot ng Anakbayan ang ginawang hakbang ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Umaangal din sila sa pagkakakulong ng apat ng miyembro ng Panday Sining nang maaresto ang mga ito habang nagsasagawa ng bandalismo noong Nobyembre 30.

“Anakbayan today responded to the Manila City Council’s declaration of progressive artist group Panday Sining as proof that the nearly week-long detention without charges of 4 youth artist-activists without a doubt politically motivated human rights violations, engineered by the same twisted minds behind Executive Order 70 or the Whole of Nation Approach,” sabi ng Anakbayan.

Ayon sa tagapagsalita nito na si Alex Danday, hinahabol daw ng pamahalaan ang mga aktibista na nagbubunyag ng korapsyon sa gobyerno. Matagal naman na daw na dudumihan ang mga pader ng syudad.

“Declaring an entire group as ‘persona non grata’ is a first for the National Capital Region,” said Anakbayan spokesperson Alex Danday. “This sheds the state’s facade that the four have been arrested on the grounds of vandalism. Manila’s walls have long been defaced by countless tarpaulins of politicians, symbols of street gangs, and giant billboards, but it is the political messages of these cultural activists are what the state is going after. Clearly, the real reason behind their arrest is the fact that they are activists who expose government corruption and violence… This harassment—the senseless persona non grata declaration; the gross violation of civil rights through illegal detention; these are all examples of human rights violations under the de facto Martial Law of the Duterte regime,” banat ni Danday.

Source: Panday Sining

Leave a Reply

Theme by Anders Norén