Local News

Panday Sining, Dineklara nang Persona Non-Grata sa Maynila!

Hindi na papayagan ng gobyerno ng lungsod ng Maynila ang grupong “Panday Sining” na makatungtong sa syudad nito.Ang Panday SIning ay ang art wing ng leftist group na ANakbayan.

Ipinasa na kasi ng pamahalaang lungsod ang resolusyon na nagde-deklarang persona non-grata sa mga miyembro ng leftist group.

Kinabuwisitan ng taumbayan ang naturang grupo matapos nilang babuyin ang bagong linis na underpass sa Maynila.

Dahil sa ginawang nilang pambabalahura sa public property, hindi naiwasan magalit ni Manila Mayor Francisco “isko Moreno”. Sa isang panayam, nagbanta si Mayor Isko na ipadidila sa mga ito ang mga dinumihang pader.

“Huwag kayong pahuhuli sa akin. Sige, human rights… ‘pag nahuli ko kayo, padidila ko sa inyo ‘to. Buburahin niyo ‘to ng dila niyo,… The same money that you pay our government, we are going to use, ang gagawin ko sa mga raliyista na ‘to, ‘yung pera na ibibigay ko sa inyo sa edukasyon, yon ang gagamitin ko para ipampintura ko ng dinumihan ninyong pader. O, magutom kayo lahat sa loob eskwelahan. Kung ako nasa national government, ‘yon ang gagawin ko. E kayo nagbababoy e, hindi po makatwiran ‘yan e,” birada ni Mayor Isko sa mga miyembro ng Panday Sining.

Sa kabila ng banta ni Mayor Isko ay nagpatuloy pa rin ang grupo sa pagsasagawa ng bandalismo sa lungsod.

Katwiran ng grupo, ang kanila daw ginagawa ay isang uri ng “sining” o “art”

Nitong Sabado lang ay may naarestong apatna miyembro ng Panday Sining nang maaktohan silang binababoy ang poste ng Light Rail Transit (LRT).

Sa isang pahayag, sinabi ni Mayor Isko na pananagutan ng mga Panday Sining members ang ginawa nila.

“You were warned. Nag-abiso na ako. Nananawagan po ako na huwag ninyo nang ulitin. Inulit niyo pa rin. Sinusubukan niyo kung may batas at liderato sa Maynila. Kailangan niyo pong harapin ngayon ang bisa ng batas,” banat ni Mayor Isko.

Source: Manila Public Information Office

Leave a Reply

Theme by Anders Norén