Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panday Sining, Nanghihingi ng PERA para sa mga Naaresto at Nambandalismo nilang Miyembro sa Maynila!

Humihingi ngayon ng pinansiyal na suporta ang Panday SIning para sa kanilang mga miyembro ng inaresto kamakailan lang dahil sa pambababoy at bandalismo sa lungsod ng Maynila.

“We are raising money for bail and we call on others to extend support for our fellow artista ng bayan,” sabi sa social media page ng grupo.

Pinanawagan din ng grupo ang pagpapalaya sa inaresto nilang miyembro na nambaboy sa public properties.

“We are calling all artists, cultural workers, and all lovers of freedom, to help in the campaign to immediately release the members of Panday Sining who were arbitrarily arrested last November 30 by state forces,” ayon sa Panday Sining.

Source:

Ang Panday Sining ay ang art wing ng leftist group na Anakbayan.

Sa video na ibinahagi ng News5, mapapanood ang ilang miyebro ng Panday Sining na nagbabandalismo sa poste ng Light Rail Transit (LRT) habang nagsasagawa sila ng rally para sa ika-156 na anibersaryo ng kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

Inaresto naman ng Manila Police District ang mga Panday Sining members sa tapat ng San Sebastian Church.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na haharapin ng Panday Sining ang batas.

“You were warned. Nag-abiso na ako. Nananawagan po ako na huwag ninyo nang ulitin. Inulit niyo pa rin. Sinusubukan niyo kung may batas at liderato sa Maynila. Kailangan niyo pong harapin ngayon ang bisa ng batas,” buwelta ni Mayor Isko.

| Mayor Isko Moreno | News5 | ABS-CBN | News5 | CNN Philippines’ Triciah Terada | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén