Local News

Panelo, Ni-Refer sa Parole Board ang Executive Clemency para kay Ex-Mayor Sanchez –

Mukhang lumalalim na ang istorya tungkol sa sigalot na nangyayari ngayong sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ibinunyag ni Bureau of Pardons and Parole executive director Reynaldo Bayang na mismong si presidential spokesperson at chief legal counsel Salvador Panelo umano ang nag-refer ng executive clemency na hinihiling ng pamilya ni former Calauan Mayor Antonio Sanchez sa parole board.

Kahapon ay sumalang si BuCor Chief Nicanor Faeldon sa senate hearing para ihayag ang kanyang panig. Ayon kay Faeldon, sinubukan niya raw harangin ang pagpapalaya kay Sanchez nitong Hulyo pero inabisuhan daw siya ng ilang BuCor officials na maari siyang maharap sa demanda kung itutuloy niya ang pagpapahinto sa paglaya ni Sanchez.

Naging malaking isyu nitong Agosto ang napabalitang pagkakasama ni ex-Mayor Sanchez sa mga presong mababawasan ang sintensiya dahil sa Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GTCA) Law na pinirmahan noong panahon ni dating Presidente Noynoy Aquino.

Base sa pahayag ni Senator Christoper “Bong” Go, nagbigay na raw ng direktiba na magsagawa ng malalim na imbestigasyon si Pangulong Duterte para madiskubre kung sino ang responsable sa muntikang paglaya ng dating alkalde gamit ang GCTA law. Ayon pa kay Go, niniwala daw si Pangulong Duterte na hindi pwedeng makasama ang mga tulad ni Sanchez sa GCTA law.

“What the President wants is for those liable to be held accountable. From top to bottom, whoever allowed them to slip out should be made to answer… Even if we’re friends before, we’ve a fight against corruption in government, on criminality or the fight against illegal drugs, so if there’s a question of how the Chinese drug lords were able to get out, we have a problem,” sabi ni Go.

Isiniwalat din ni Go na nagbigay agad ng kautusan si Pangulong Duterte kay Faeldon na ihinto ang proseso ng GCTA para kay Sanchez noong nalaman ng Pangulo ang isyu.

Source: Inquirer | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: