Local News

‘Pang Aso iyan!’ Mga Residente sa Bulacan, Ibinalik ang Bigas dahil Cheap Quality daw!

Sa video ng netizen na si Marikit Alvaran, makikita ang ilang residente na ibinabalik ang relif good na bigas sa sako habang kinukutya ang kalidad nito.

Ayon sa isang ginang, hindi daw siya kumakain ng ganoong uri ng bigas. Habang ang isang babae naman ay nagsabi na pang aso lang daw yung naturang bigas.

Hindi naman naitago ng ilang kababayan natin ang kanilang galit sa ginawa ng mga residente.

“Kayo na biniyayaan, kakapal pa ng mukha ibalik. Hoy! Hindi lang kayo ang nangangailangan ng makakain araw-araw! Ibigay yan sa mga taong mas nangangailangan! Ke aarte! Tapos pag wala na makain, sa gobyerno aasa! Titigas ng mukha! Akala niyo naman sa mansion kayo nakatira. Pwe! Grasya tinatanggihan!” sabi ni J. Teodoro.

“Hay grabe gusto nyo palitan? Sana magpasalamat pa kayo. Maliit man yan or malaki. Maraming tao ang mas nangangailangan pero di bibigyan ng tulong,” banat naman ni C. Spedding.

Sa hiwalay na social media post, niresbakan ni Alvaran ang mga kritiko ni Barangay Kapitan ng Poblacion.

“Si Kap na isang kilo eyebag masigurado lang na lahat kakain. Yung mga frontliners na naghakot,nagrepack,nagpamigay. Yung mga tanod na puyat kakabantay para masigurong walang magkakasakit. At yung mga TAXPAYERS na nag ambag ambag para sa kapwa Pilipino. Mahiya kayo!!! Si Mayor Ferdie may pamanok pa and pa almushare araw-araw. Kayo? Hihilahilata tapos pag bigayan,pag di pasok sa standards nyong akala nyo anak kayo ni Belo kung makapag inarte. Aba matindi,” buwelta ni Alvaran.

Habang isinusulat ang blog post na ito ay umabot na sa higit 14,000 ang nag-share ng video ni Alavaran at umani na rin ito ng daan-daang komento mula sa mga netizens.

Source: Marikit Alvaran

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: