Local News

Pangalan ng mga “Designated Terrorists”, Isasapubliko na ng Gobyerno!

Isisiwalat na sa publiko ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang mga pagkakakilanlan ng mga terorista sa pamamagitan ng peryodiko at internet sa mga susunod na araw. Ang mga indibiduwal na masasama sa listahan ay bibigyan naman ng 15 araw para umapela.

Sa ilalim ng Anti-Terrorism Law (ATL), mabibigyan ng kapangyarihan ang mga bumubuo sa ATC na italaga na terorista ang isang indibiduwal o grupo.

Magugunita na naging sikat ang ATL nang hilingin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kongreso na gawing urgent ang dati’y panukalang batas.

May ilang personalidad ang umangal sa nasabing panukala pero sa huli ay nanaig pa rin gobyerno at tuluyan naipasa ang ATL.

Kung may mga kumokontra sa ATL, madami naman ang sumusuporta dito. Ilan sa mga ito ay sina Davao City Mayor Sara Duterte, Cong. Lucy Gomez, Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Panfilo “Ping” Lacson at iba pa.

“The history of Davao City has been marred by senseless and violent terrorist acts that have cost the lives of DavaoeƱos. It is painful reminder as we continue to strive for the peace and security of Davao and the people.”

“And even as our country faces a deadly pandemic, the dangers and threats of terrorism are still a reality. The presence of domestic and foreign terrorist threats in our country continues to undermine our peace and democracy even as we are in our most vulnerable state.

Thus, we express our support for the Anti-Terrorism Bill.” ani Mayor Sara sa isang pahayag.

Source: CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: