Local News

Pangalan ng Ninoy Aquino Int’l Airport, Pinapapalitan ni Presidential Son Paolo Duterte!

Naghain ng panukalang batas si Presidential son Deputy Speaker Paolo Duterte at sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at ACT-CIS Rep. Eric Yap para palitan ang Pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Gusto ng mga mambabatas na palitan ang NAIA at tawagin itong Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.

“NAIA is the international gateway of the Philippines, being the biggest and largest international airport in the country. As such, there is a need to identify the same as belonging to the Philippines. Hence, the proposed renaming to ‚ÄúPaliparang Pandaigdig ng Pilipinas. With the proposed name, the airport will easily be identified as the international doorway of the country, in view of it being in Filipino language and branding it as the international airport of the Philippines,” sabi sa panukala ng mga kngresista.

Magugunita na Manila International Airport ang tawag dati sa nasabing paliparan pero pinalitan ito ng NAIA para kilalanin si former senator Ninoy Aquino na pinaslang sa naturang lugar.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na may nagtangka na palitan ang pangalan ng NAIA. Matatandaan na noong 2018 ay isinulong ni Attorney Larry Gadon ang pagpapalit ng pangalan ng paliparan dahil hindi naman daw dapat ituring na bayani si Aquino.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: