Local News

Pangalawang Ex-NPA, Lumutang para Idiin ang Kapatid ni Angel Locsin!

Nitong nagdaang araw ay nagpaunlak ng panayam ang dating New People’s Army (NPA) Cadre na si Ka Eric sa ilang media. Sa kanyang panayam ay inamin nito na siya ang nagbigay ng impormasyon sa militar na miyembro ng NPA ang kapatid ni Angel Locsin. Inilahad din ni Ka Eric kung paano niya namataan ang kapatid ng aktres sa loob ng kilusan.

“Ako po ang nagbunyag na si Ella Colmenares ay naging NPA sa Polillo island. ‘Yung kapatid ni Angel Locsin. That was 2004 or 2005 kung hindi ko makakalimutan. Nang makita ko siya sa Polillo island ay nagpaplano kami sa NOC na i-raid ang municipal police station ng Polillo island ng Quezon Province. She was there. ‘Isay’ ang gamit niyang pangalan at ‘Ka Tina’… Alam ito ni Angel Locsin kasi noong sometime around 2006, noong bumaba iyan si Ella at cinontact namin dito sa national operation command sa Cavite. Humihingi kami ng tulong kasama si (Ella) sa kanyang kapatid na si Angel Locsin. Nag-withdraw pa nga iyan ng 20,000 sa atm sa BPI sa Timog Ave. Alam ko na siya si Angel Locsin, alam namin marami kaming nakakakilala sa kanya. Alam namin na hindi talaga Angel Locsin ang pangalan niya, Colmenares talaga siya,” pagsisiwalat ni Ka Eric.

Sa video na inilabas ni Col. Harold Cabunoc, nagsalita naman si Ka Victor Patria upang ibunyag ang mga ginagawa ng mga rebeldeng komunista upang makapanghikayat. Idiin din nito na naging miyembro nga ng aramdong pakikibaka ang kapatid ni Locsin.

“Knowledgeable siya sa kapatid niyang naging NPA sa Polilio Island sa QUezon. I can attest to that. Nakita ko si Ella sa Polilio Island that was around 2004 to 2005. Bahagi siya doon sa pagkilos ng NPA platoons at nagbabalak kami noon na i-raid ang municipal police station ng Polilio… She was there at nabuntis ito… Alam n Angel na kapatid niya ay NPA at alam niya na tinutulungan niya ito dahil ito ay na sa distress situation. Hindi mawawala kay Angel Locsin iyon pero to deny everything na wala siyang knowledge na ang kapatid niya ay naging bahagi ng armadong pagkios ay hindi completely true,” sabi naman ni Ka Victor.

Source: Harold Cabunoc | DHRH iva Kabos | DZAR

Leave a Reply

Theme by Anders Norén