Local News

Pangangasiwa ng DU30 Govt sa Agrikultura, Binatikos ni Noynoy!

Sa panayam ng Eaglea News kay former President Benigno “Noynoy” Aquino III, pinuna nito ang ginagawa ng kasalukuyang gobyerno pagdating sa sektor ng agrikultura.

“Nagrereklamo ang mga magsasaka na ang baba na ng kanilang farm gate price. Kung aalis ang palay pupunta sa iba– gulay o prutas– parang sa experiensiya ng nasa kamatis, nasa sibuyas, talong at iba pa, saan ba pupunta ang magsasaka? Siguro yun ang gusto nating marinig ngayon. Ito ang naging problema, ito ang ating magiging tugon, ito ang maaasahan ng ating magsasaka. Parang wala yata iyon,” banat ni Aquino.

Giit pa ni Aquino, mayroong problema sa oversupply ng agricultural product ang kasalukuyang gobyerno.

“Nagulat ako noong nangyari yung kamakailan yung may pagtatapon ng kamatis. Tapos may nagrereklamo sa sibuyas. Meron naman ata ngayon sa talong. Tsaka pinamimigay ang mangga kesa mabulok,,” sabi ni Aquino.

Pinahapyawan din ni Aquino ang banta ng Pangulong Duterte na ipapasara ang Land Bank of the Philippines kung hindi makakapagbigay ang state-owned bank ng plano kung paano matutulungan ang mga magsasaka.

“Maski yung Landbank handang tumulong, hindi mo ina-address yung kasalukuyang nangyayari, baka naman nandiyan yung pagkalinga na wala na yung kakalingain,” dagdag pa ni Aquino.

Sa parehas na panayam, nagpasaring din si Aquino sa paraan ni Pangulong Duterte sa paglaban sa korapsyon. Ayon sa dating Presidente, nire-recycle lang ang mga tinatanggal na mga opisyal.

“Nagtatanong yung iba. Tinanggal mo kasi nawalan ka na ng tiwala tapos ipupuesto mo sa ibang lugar? May ibang instances pa hindi sya ok dito, tapos ilalagay mo sa mas mataas na puwesto… Nung panahon ko kasi, parati kong pinapaalala kay Leila, at sa ating mga law enforcement agencies, pero pangunahin lay Laila, hindi natin ambisyon na magkaso lang sa isang tao. Kung meron talagang ginawang kasalanan, number 1, meron dapat due process. Dapat imbestigahan nang tama,” ani Noynoy.

Source: Politiko | Politiko

Leave a Reply

Theme by Anders Norén