Local News

Sakit at Panganib na Dulot ng Vulcanic Ash kung Malalanghap, Isiniwalat ng Biktima!

Kumakalat ngayon ang social media post ng kababayan natin na si John Manuel Flores. Sa kanyang post, ibinahagi niya ang kanyang naransan nang ma-expose siya sa vulcanic ash noong 5-anyos pa lang siya.

Ayon kay Flores, nagkaroon daw siya ng kumplikasyon sa baga dahil sa paglalaro ng abo noong bata pa lamang siya. At ang sakit sa baga ay unit-unting lumala.

“Volcanic ash exposure is no joke.
Nung huling beses akong naka experience ng ash-fall, 5 years old ako. Tuwang tuwa pa kami kasi parang snow. Pag gising namin nung umaga, puro abo lahat ng paligid. Kaya lagi kong pinaglalaruan mga abo nuon. Dahil doon, nagka lung disease ako. At mabilis lumala hanggang naging acute-tuberculosis,”
sabi ni Flores.

Idinetalye din ni Flores ang elementong kasama sa vulcanic ash at kung bakit ito mapanganib sa katawan.

“Ang volcanic ashes pala ay parang mga basag na salamin kung titignan sa microscope, at yun ang sumugat sa loob ng baga ko nuon,” paliwanag pa ni Flores.

Ngayon daw na may anak na siya ay hindi niya hahayaan na maransan ng kanyang supling ang nangyari sa kanya. Inabisuhan niya rina ng mga kapwa niya netizens na pagbawalan ang mga bata na maglaro ng vulcanic ash.

“Ngayon, may volcanic ash ulit, at ang panganay ko ay 5 years old din, hindi ko hahayaan mangyari sa kanya yung na-experience ko. Sa mga kakilala ko, huwag nyo hayaan lumabas ang mga bata ng walang mask. Huwag nyo din hayaang paglaruan nila ang mga abo sa paligid. Let’s pray for everyone’s health and safety,” dagdag pa ni Flores.

Habang isinusulat ang artikulo na ito ay umabot na sa higit 41,000 ang nagbigay ng reaksyon sa social media post ni Flores at mlagpas 86,000 naman na ang bahagi nito.

Source: John Manel FLores.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén