Local News

Panooorin: Leni, Umamin na Talamak ang Droga sa Kanyang Bayan sa Naga!

Umamin na si Vice President at Inter Agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD) co-chairman Leni Robredo na ang kanyang bayan o balwawarte na Naga CIty ay isa sa may pinakamalalang problema sa droga.

“Isa talaga yung drugs sa malalaking problema, lalo yung Naga [at] Legazpi kasi ito yung transshipment kasi, itong malalaking cities, “ sabi ni Robredo.

Hindi naman makapag-komento si Robredo nang naitananong mga mamamahayag kung kung gaano kalaki ang problema sa droga ng kanyang bayan kumpara sa iba. Ayon kay Robredo, wala daw sa kanya ang datos.

“Hindi sya comparative sa iba, ang sinasabi ko dito may problema rin, hindi mas malaki yung problema rito over others kasi wala pa kong datos na ganun, “ ani Robredo.

Magugunita na sa isang talumpati sa harap ng mga negosyante sa Palasyo ng Malacañang, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang Naga ay “Hotbed ng Shabu”. Ayon pa sa Punong Ehekutibo, ang bayaw umano ni Robredo ay isa sa nagdadala ng droga sa lugar.

“I standby my word that Naga City is the hotbed of Shabu. Yung brother-in-law ng Vice-President ang nagdala ng droga,” rebelasyon ni Pangulong Duterte.

Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay sinegundahan ni former Naga City Councilor Luis Ortega.

Magbibigay na ng ulat si Robredo kay Pangulong Duterte tungkol sa maaari daw gawin na solusyon laban sa pinagbabawal na gamot. Kalakip din daw ng ulat ay ang kanilang obserbasyon sa sitwasyon.

“Napadala na namin yung first report. Siguro by middle of next week, maipapadala na namin yung second report. Gusto ko lang na alam ni Presidente yung lahat ng nangyayari, “ ayon sa bise presidente.

“Yung sa akin, policy making. Ipapahiwatig yung palagay ko tama, magre-recommend ng mga measures na, palagay ko, ay dapat sundin. But at the end of the day, ‘yung ating Pangulo naman ang mag ca-call the shots, “ dagdag pa ni Robredo.

Source: GMA News | Abante

Leave a Reply

Theme by Anders Norén