Local News

Panooorin: “Dumedede pa kayo sa Nanay niyo” Mayor Isko, Muling Niresbakan ang mga Aktibistang Nambaboy sa Underpass!

Hindi pa tapos si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso laban sa mga aktibistang nambaboy sa underpass sa may Manila City Hall.

Sa kanyang capital report, muli niyang binanatan ang mga nambalahura sa pampublikong lugar sa Maynila at tila sinampal ang mga ito ng katothanan.

“Gusto niyo ng ‘REAL TALK’? Hindi kayo dadami dahil kinamumuhian kayo ng mga tao,” sabi ni Mayor Isko.

Pinahapyawan din ni Mayor Isko ang kaipokritohan ng mga aktibista.

“Maaliwas na para gamitin (ang underpass) ng mga ordinaryong taong ‘sabi ninyo ay ipinaglalaban ninyo’. Una, sino ba humingi ng tulong para ipaglaban niyo sila? You volunteered yourself para ‘ipaglaban daw sila’,” banat pa ni Mayor Isko.

Inulit din ni Mayor Isko ang kanyang pahayag tungkol sa perang ginagastos ng pamahalaan para papag-aralin ang mga rebeldeng estudyante.

“Kung kayo ang pag-aaralin ko at ganyang ang magiging lahi ninyo, mabuti na ibigay ko na lang iyan sa ibang bata ‘yung pagkakataon na makapag-aral sila ng matino at magkaroon ng magandang kinabukasan. Kayo’y walang karapatan na gastusin ninyo ang pera ng taongbayan para kayo pag-aralin at matutunan niyo lang ay mamerwisyo,” paliwanag pa ni Mayor Isko.

Pinatutsadahan din ng alkalde ng Maynila ang pagtawag ng leftist group na sining o art ang ginawang bandalismo.

Sa isang bahagi ng kanyang talumpati, sinabi ni Mayor isko na naniniwala siya sa malayang pamamahayag ng pananaw.

Magugunita na nagbanta si Mayor Isko sa mga nambaboy sa underpass na ipadidila sa mga aktibistang ang pader na binaboy ng mga ito.

“Huwag kayong pahuhuli sa akin. Sige, human rights… ‘pag nahuli ko kayo, padidila ko sa inyo ‘to. Buburahin niyo ‘to ng dila niyo,…The same money that you pay our government, we are going to use, ang gagawin ko sa mga raliyista na ‘to, ‘yung pera na ibibigay ko sa inyo sa edukasyon, yon ang gagamitin ko para ipampintura ko ng dinumihan ninyong pader. O, magutom kayo lahat sa loob eskwelahan. Kung ako nasa national government, ‘yon ang gagawin ko. E kayo nagbababoy e, hindi po makatwiran ‘yan e,” sabi ni Mayor Isko sa isang panayam.

Narito po ang mas mahabang bersyon ng talumpati ni Mayor isko.

Source: Mayor Isko’s Speech | FB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén