Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: 4 Miyembro ng Panday Sining, Inaresto ng Kapulisan dahil sa Bandalismo!

Sapul sa video ang pag-aresto sa apat na miyembro ng Panday Sining ng mga tauhan ng Manila Plice District. Ang Panday Sining ay ang art arm ng leftist group na Anakbayan. Nangyari ito sa harapan ng San Sebastian Church sa Quiapo, Maynila. .

Ang pag-aresto sa apat na miyembro ng Panday Sining ay inalmahan ng Kabataan partylist group. Para sa kanila, ginipit daw ang mga ito.

“Four members of Panday Sining were harrassed and arrested today during the #Boni156 mobilization. They were taken to the Manila Police District for further interrogation and inquest proceedings,” sabi sa Kabataan Partylist Facebook page.

Suportado naman ng grupong “Hands Off Our Children” (HOOC) ang pag-aresto sa mga Panday Sining. Ang HOOC ay isang grupo na binubuo ng mga magulang ng mga kabataang nahikayat sumapi sa mga leftist organizations.

“Members of Panday Sining ARRESTED!!! We renew the call to hold these group accountable for the mockery of our laws and our people. Sign the petition for the City of Manila to press charges against them!!!,” banat naman ng social media page ng HOOC.

Hinihikayat din ng HOOC na pumirma ang mga kababayan natin sa petisyon para panagutin ng pamahalaan lungsod ng Maynila ang Panday Sining sa ginawang pambaboy sa underpass sa naturang syudad. Habang isinusulat ang blog post na ito ay umabot na sa 9,950 ang pumirma sa petsiyon.

Naging laman ng balita ang Panday Sining Kamakailan dahil sa ginawa nilang bandalismo sa bagong linis na underpass na malapit sa Manila City Hall. Magugunita na binantaan pa sila ni Manila Mayor Isko Moreno na ipadidila sa mga ito ang mga pader na dinumihan. Pero makalipas ang ilang araw ay may namataan na namang bagong bandalismo sa bakod ng isang eskwelahan sa Maynila.

Nagalit sa mga miyembro ng Panday Sining ang publiko nang sabihin nila na ang bandalismong ginawa nila sa underpass ay isang uri daw ng sining o art.

Source: ABS-CBN | Hands Off Our Children | Kabataan partylist

Leave a Reply

Theme by Anders Norén