Local News

Panoorin: 70-Toneladang Basura, Iniwan ng mga Pasaway na Deboto sa Traslacion 2020!

Umabot sa 70-toneladang basura ang naiwan sa Quirina Granstand at sa rutang dinaan sa traslacion 2020. Ang impormasyon ay mula sa mga otoridad na naatasang mag-hakot ng basura para sa okasyon.

Hindi nasunod ang panawagan ng Simbahan ng Quiapo, Eco Waste coalition at ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga deboto na magsagawa ng malinis na prusisyon para sa Poong Itim na Nazareno.

“‘Yung panawagan ng pamahalaang pang-lungsod na ang taong bayan ay makiisa sa paglilinis na ginagawa ng lungsod ng Maynila,” Mayor Isko.

Kinailangan din daw ng Manila Department of Public Services ng 14 na dump trucks para lang hakutin ang mga basurang iniwan ng mga deboto. Mas kaunti naman ito kumpara noong nakaraang taon kung saan tinatayang 100 garbage trucks ang kinailangan para hakutin ang mga basura.

Ayon sa news outlet na DWIZ, inaasahang umabot sa 6-milyong deboto ang sumama sa prusisyon. Base naman sa tala ng ManilaPolice District, umaga pa lang ng Huwebes ay umabot na sa mahigit 220,000 na namamata ang nakilahok sa Traslacion.

Sa misa bago ang prusisyon ay nanalangin naman si Manila Archibishop Antonio Tagle para sa mga kababayan natin sa gitnang silangan. Daing ng obispo sa poong nazareno ay mahinto ang gantihan ng Estados Unidos at ng Iran.

“Ating alalahanin na sa ilang bahagi ng ating mundo ay nag-aamba ang panganib ng karahasan at harinawa ‘wag umuwi sa giyera [o] digmaan… Ipanalangin natin na maging ligtas ang ating mga kapuwa sa Middle East. Humupa ang mga pagnanais na sirain ang kapuwa. Humupa ang mga hangarin na maghiganti… Wagas na pag-ibig, ‘yan din ang ating misyon. Hindi dapat tayo maging daan ng kapahamakan o kasiraan ng kapuwa,” dasal ni Archbishop Tagle.

Source: DWIZ | News5 | GMA News | ABS-CBN | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén