Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: ABS-CBN Actor Baron Geisler, Umapela na Bigyan ng Prangkisa ang Network!

“Lumaki ang ABS-CBN since 65-years ago, tatanggalin niyo?”

Sa isang recorded video na inilathala sa social media page na Defend Job Philippines, Nagsalita ang aktor ng ABS-CBN na si Baron Geisler para umapela sa gobyerno na mabigyan ng legilative franchise ang ABS-CBN.

“Lahat tayo ay umibig, nasaktan, napasaya, napa-iyak ng mga shows ng ABS-CBN. Hindi ito magagawa kung hindi dahil sa mga laborers na ito. Ipaglaban po natin ang karapatan nila. Ipaglaban po natin ang buhay nila. Mahigit 10,000 po ang mawawalan ng trabaho. Isipin niyo po iyon,” sabi ni Geisler.

Para kay Geisler, hindi daw dapat isipin ng pamahalaan ang pagganti sa media giant. Dapat daw ay magkapatawaran na lang dahil marami umano ang maapektuhang pamilya kung sakali hindi mabigyan ng prankisa ang ABS-CBN.

“Iniisip ng gobyerno na makaganti lang dahil sa mga miscommunications noong 2016. Mag-move forward na po tayo. Let go and forgive and forget. Mga tao pinag-uusapan natin dito. Hindi papel, pami-pamilya, ilang libong pamilya, pagkain sa lamesa. Iyan ang kailangan nila. Iyan ang kailangan ng mga Pilipino,” ani Geisler.

“Kung talagang nagmamalasakit ang gobyerno sa atin at sa mga laborers na ito. Tulungan niyo naman kami. Hindi kami nagmamakaawa kasi alam namin na karapatan namin na magserbisyo at magtrabaho at kumita para mapasaya ang mga tao at mga taga-gobyerno,” dagdag pa ng aktor.

“Kung talagang nagmamalasakit ang gobyerno sa atin at sa mga laborers na ito. Tulungan niyo naman kami. Hindi kami nagmamakaawa kasi alam namin na karapatan namin na magserbisyo at magtrabaho at kumita para mapasaya ang mga tao at mga taga-gobyerno,” dagdag pa ng aktor.

Magugunita na ilang beses nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kokontrahin niya ang legislative franchise para sa ABS-CBN. Ilan sa mga rason ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbabanta ay utang umano kumpanya sa Development Bank of the Philippines.

Sangkot din daw ang ABS-CBN sa swindling at estafa dahil sa pagkolekta umano ng bayad sa campaign commercial pero hindi umano pinalabas ang mga patalastas.

Source: Defend Jobs Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén