Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: ABS-CBN Reporter, Bastos daw ang Tono ng Pagtatanong sa Singporean Athlete ayon sa mga Netizens!

Pinupuna ng mga netizens ang paraan ng pagtatanong ng ABS-CBN reporter na si Gretchen Ho sa Singaporean Athlete na si Mark Shen.

Ayon sa ilang kababayan natin, tila bastos daw ang tono ng pagtatanong ng reporter sa manlalaro.

Hindi rin nagustuhan ng ilang kababayan natin ang linyang “Rumors from the #SEAGames2019 have already ‘spread like wildfire'” sa caption sa post ng ABS-CBN.

Obsebasyon pa ng ilang kababayan natin ay tila isinasailalim daw sa interogasyon ang manlalaro ng Singapore.

Kapansin-pansin naman na kalmadong sinasagot ng atletang si SHen ang mga tanong ng reporter at karamihan sa mga tugon ng manlalaro ay positibo.

“Initially there were lot of rumors about how the accommodation and reception from Philippines was not up to standard but upon arrival in the Philippine, it was really good. The reception from the airport was really up to our expectations. And everything was smooth. We got to our hotel and settle in very quickly. In less than one hour, we were in. The food for day one is enough for us. The (food) quality and quantity is not bad,” sabi ni Shen.

Narito po ang tugon at reaksyon ng mga kababayan natin sa interview ni Ho kay Shen.

Panoorin ang video.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén