Local News

Panoorin: Actual Extortion ng NPA sa Engineer, Pinarinig na Militar!

Sa kaniyang social media page ay ibinahagi ni Military Officer Harold Cabunoc ang ginawang pagtawag ng New People’s Army (NPA) Commander sa isang babaeng engineer para takutin at kotongan.

Mapapakinggan sa usapan ng engineer at ng nagpakilalang lider ng NPA Mindoro na si Ka Madaay ang paghingi ng mahigit 1.5 million piso para daw sa armas ng mga rebeldeng komunista. Inisa-isa din ni Ka Madaay ang mga armas na kanilang bibilhin.

Ayon sa babaeng engineer, gusto man daw niyang magbigay ay wala naman daw siyang ibibigay. Giit ng engineer, mayroon lang siyang 1 libo na nasa kaniyang GCASH. Pero ito ay kinutya ng NPA lider at doon na tinakot ng NPA commander ang engineer.

“GANITO PALA ANG PAMEMERA SA MASA PARA SA ANIBERSARY anibersaryo, ganito pala ang kanilang ginagawa sa kapwa.
Para sa inyo, mga kababayan, hahayaan ba natin na aapihin at papahirapan ng mga komunista?” banat ni Cabunoc.

Ang video ni Cabunoc ay kumalat na at umani ng libo-libong reaksyon mula sa netizens. Pumalo na rin sa mahigit 1,000 ang nag-share ng nasabing video.

Narito po ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pananakot ng NPA commander sa engineer.

“Sir, sana yung grupo ng nagsasalita na yan ang malipol nyo para matigil na ang masasama nilang gawain, kasama ng lahat ng mga tiruristang grupo. I pray that the Lord empowered all our soldiers to eradicate these people!”

“Kapal na muka pagkain na nang pamilya nila stop pangingikil mga hayop dami na gugutom armas pa sumpain kayo nang dios na mawala na kayo sa lipunan umaasa kayo sa mga nag naghahanap buhay na patas tibay kapal nang apog mo stay safe God bless as all nation.”

“Mga walang kaluluwa CPP NPA pahirap talaga kayo ng mamamayan pinipilit nyo kutungan tpos pagayaw mgbibigay pagbabantaan nyo mga wlang budhi kyo.”

Source: Harold Cabunoc

Leave a Reply

Theme by Anders Norén