Local News

Panoorin: ‘Ahas! Dami mong satsat! ‘ Tulfo, Binanatan si DOH Sec. Duque!

Sa kaniyang programa, binanatan ng mamamahayag na si Raffy Tulfo si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque tungkol sa isyu ng pag-aangkat ng bkuna ng mga private sectors.

Ayon sa impormasyon na natanggap ni Tulfo, noong huling bahagi ng 2020 ay may direktiba daw na bawal mag-angkat ng bkuna ang mga private sectors. Pero noong Enero 2021 ay napapayag daw ang pamahalaan na bumili ng bkuna ang mga pribadong kumpanya. Ngunit pagdating ng Marso ay muling pinagbawalan ang private sectors sa pag-aangkat.

Ang desisyon na ito ay kinuwestiyon ni Tulfo. Ayon sa mamamahyag, makakatulong pa nga raw sa bansa kung ppapayagan ang mga pribadong kumpanya na bumili ng sarili nilang bkuna.

Sa isang bahagi ng programa, tinawag ni Tulfo na ahas si Duque at mga kasamahan nito.

“Bakit kailangan pa dadaan sa DOH? Para ano? Para sa tongpats? Ikaw talaga Duque! Madaming senador na gusto kang pasibakin. Hindi ko alam kung bakit hindi ka masibak-sibak… Kausapin mo iyang mga kasamahan mo na parehas naman kayong mga ahas,” banat ni Tulfo.

Nilinaw naman ni Tulfo na maayos ang hangarin ni Pangulong Duterte at may ilan lang na nakapalibot sa presidente na hindi maaayos.

“Alam ko ang ating Pangulo Duterte ay frustrated na rin. I know that he is doing his best and he is very sincere in doing what’s good for our country. Pero there are times na binubulag siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Giving him false information. The President is a very good leader pero ‘yung nakapaligid, ‘yun ang mga salbahe,” paliwanag ni Tulfo.

Source: RTIA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén