Local News

Panoorin: Gen. Albayalde, Nagbitiw na Bilang PNP Chief

Bumaba na s pwesto si Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde matapos masangkot sa mga alegasyon na prinotektahan niya ang ilang tauhan niya na nagre-recyle ng droga

“After careful thought and deliberation, I have come to the decision to relinquish my post as Chief PNP effective today and go on non-duty status,”

Ayon kay Albayalde, tinanggap at inendorso na raw ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang kanyang liham kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon kay Año, ang ginawa daw ni Albayalde ay nagpapakita na ito raw ay statesman dahil ayaw daw ni Albayalde na makonekta ang Duterte Administration at ang kabuuan ng PNP sa kontrobersiya.

“Nahihirapan na rin siya sa kalagayan niya bilang Chief PNP. May mga ganitong allegations at tuloy-tuloy iyong Senate hearing, hindi na rin siya makapag-concentrate sa kaniyang trabaho… He wanted to spare the President and the organization from all this controversy… It’s a gentleman’s act, nag-offer na lang siya iwanan na iyong puwesto niya,” sabi ni Año.

Ang tumatayong Office-in-Charge ng PNP ngayon ay si PNP Deputy chief for operations Archie Gamboa.

Si Albayalde ang provincial director ng Pampanga noong 2013 kung kailang nangyari ang maanomalyang anti-dru operation laban sa isang Chinese Drug Lord.

Base sa naging pahayag ni former Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Benjamin Magalong, nakinabang daw si Albayalde sa naturang operasyon. Idiniin din siya ni retired police official Rudy Lacadin sa senado. Ayon sa naging pahayag ni Lacadin, may napunta daw kay Albayalde na recycle na droga.

Ang mga alegasyon nina Magalong at ni Lacadin ay mariing pinabulaanan ni Albayalde. Banat ni Albayalde, na-dismissed ang kaso sa tinaguriang “ninja cops” noong 2017 dahil sa “for insufficiency of evidence” at “lack of probable cause”. Naniniwala din si Albayalde na tila nagpagtutulngan daw siya.

Source: ABS-CBN | CNN Philippines

Leave a Reply