Local News

Panoorin: Albayalde, Naging Emosyonal at Maluhaluha sa isang Interview!

Sa panayam ng mga hosts ng DZBB kay Philippine National Police (Chief) Oscart Albayalde, hindi napigilan ng hepe na maging emosoyonal nang mapag-usapan ang kanyang pamilya na labis nag-aapektohan sa isyu ng ‘ninja cops’ na kung saan isinasangkot siya.

“I miss my family so much. As of this time, ‘yung family ko po ay talagang apektado. Kailangan ko silang makausap. Hindi ko sila kasama ngayon. Kailangan ko silang makausap,” sabi ni Albayalde.

Sa isang bahagi, maririnig na nanginig ang pagsasalita ni Albayalde at tila maluha-luha dahil sa isyu na ipinupukol sa kanya.

“So they ask you, ‘Dad, why now?’ Ito ‘yung hindi mo maintindihan, kaya ang sabi ko, ang the most na nasisira sa iyo dito is the family,” ani Albayalde.

Ayon kay Albayalde, madalang niya na lang daw niya makita ang kanyang pamilya simula nang maitalaga siya bilang regional director (RD) ng National Capital Region (NCR).

Si Albayalde ay isinasangkot ni former Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Benjamin Magalong sa maanomalyang anti-drug operation sa Pampanga noong 2013. Ayon kay Magalong, matapos daw ang naturang operasyon ay nagkaroon umano ng magagarang sasakyan ang mga pulis na lumahok sa operasyon. Isa din daw sa nagkaroon ng sasakyan ay si Albayalde na noon ay provincial director ng Pampanga.

Ang mga paratang ni Magalong ay mariing pinabulaanan ni Albayalde. Depensa ni Albayalde, mayroon lang siyang lumang pick-up truck noong panahon nangyari ang operasyon na tinutikoy ni Magalong.

Humingi naman ng paumanhin si PNP Chief Albayalde sa pagiging emosyonal niya sa DZBB sa hiwalay na panayam sa CNN Philippines.

“I am sorry I was teary[-eyed] when I was invited [in that interview] two days back. I am really sorry. I apologize to the public on that. I really have to control my emotion because hindi mo pwedeng ipakita sa mga anak mo ‘yan (you can’t show that to your children),” sabi ni PNP Chief Albayalde.

Source: GMA News | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén