Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Anak ng AFP General, Nanghalay ng 13-Anyos ng Dalagita!

“He took away the worth of my daughter. Gusto siyang makulong at pagdusahan ang ginawa niya sa anak ko,”

Ganito ang naging pahayag ng isang ina matapos matuklasan ang nangyari sa kanyang anak sa kamay ni Malvin Tianchon, anak ng heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nadiskubre ang panghahalay sa biktima matapos ma-rescue ang dalagita sa Sheraton Hotel sa Pasay nito lamang May 15. Noong na-rescue ang bktima, naka-eskapo na ang suspek.

Ayon sa ulat ng beteranong mamamahayag na si Erwin Tulfo, makailang ulit umano hinalay ni Tianchon ang menor de edad at dumating pa sa puntong dinadala na ang biktima sa sikat na Sheraton Hotel para pagsamantalahan.

Base pa sa ulat, ang suspek at ang biktima ay magkapit-bahay sa isang kampo ng militar. Nakilala raw ng biktima ang suspek sa playground malapit sa kanilang tahanan. Kinaibigan daw siya ni Tianchon kapag naglalaro siya sa playground. Inimbitahan daw ng suspek ang biktima nang magkapalagayan na daw ng loob ang dalawa.

Lalo pang nadurog ang mundo ng mga magulang ng biktima nang malaman nilang 11-anyos pa lang ay sinasamantala na umano ng suspek ang kanilang anak.

“Accordingly, dun sa bata, noong panahon na 11 years old, nagawan na rin siya ng hindi maganda ng same suspect. Noong araw na naka-usap namin siya, dalawang beses daw siya nagalaw simula noong nai-check in siya sa hotel… Bukod doon sa salaysay ng bata, inobliga namin sila na magpa-medico legal sa Philippine Geneal Hospital (PGH) at noong lumabas ang resulta ay positibo naman na nagalaw nga ang bata. Malakas ng ebidensiya laban sa suspek ,” sabi ni Pasay Police – WCPD P/Capt Lisa Sayno.

Magsasampa rin ang mga magulang ng biktima ng kaso sa Sheraton hotel matapos na hindi sila agad pinayagan na puntahan ang kwarto kung saan naroroon ang kanilang anak. Hindi pa rin daw sila pinayagan, kahit ilang oras na na nagmakaawa at nagpakilala pa ang ama na isang sundalo.

Source: Erwin Tulfo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén