Local News

Panoorin: Babaeng Mandurukot ng Bata, NagHUBO Matapos Mahuli!

Hinuli ng mga tauhan ng barangay 31 sa Caloocan ang isang 27-anyos na babae matapos itong maaktuhan na dudukutin ang isang 3-anyos na batang lalaki.

Base sa pahayag ng tito ng musmos, nakita niya ang salarin na hinihila ang kaniyang pamangkin sa labas ng bahay mga alas-10 ng gabi.

“‘Yung babae hawak-hawak at hinahatak niya na ‘yung pamangkin namin palayo. ‘Ate bitawan mo iyan’, tapos tinapik ko ang kamay niya bigla niya naman binitawan,” sabi ng tito ng biktima.

Ayon sa mga nakahuli sa babaeng salarin, maayos pa raw nilang nakausap ito. Pero nang makarating na sa barangay hall ay biglang naghubo ang babae at nagpanggap daw na may problema sa pag-iisip.

Paliwanag ng kapitan ng barangay, hindi daw ito ang unang pagkakataon na may nagtangkang mandukot ng bata sa kanilang lugar. Ang unang suspek ay nagpanggap din daw na may problema sa pag-iisip noong nahuli.

Dinala na sa Philippine National Police (PNP) – Caloocan ang salarin at maaaring maharap sa kasong kidnapping.

Hinala ng Barangay Chairman, modus operandi ito ng mga nangunguha ng bata.

“Nagloloko-lokohan na. Pero ‘yung isa ay hindi naman ganyan. Kanina naka-green pa siya (na damit) tapos naghubad na,” sabi ni Barangay Captain Jose Mercado.

Pinayuhan naman ng Barangay Chairman ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak.

“Minsan ang mga magulang hindi nila iniintindi. Akala nila ganoon lang ang mga bata. Pinababayaan nila ang mga bata kaya kami ay saway ng saway,” dagdag pa ni Barangay Captain Mercado.

Hindi naman kinagat ng ilang kabaayan natin ang pakulo ng babae.

” Ganyan ang taktik nila nag sirasiraan ng bait para hindi hulihin.
pakana lang yan para pakawalan…pag ganyan ang gagawin nila kumuha kayo ng injection na malaking malaki injection nan sila umaga at hapon tignan ko lang kong hindi sila babalik ang normal nilang pag iisip.. sa ginagawa nila grabe na. talagang tinuroan ng mga sendikato kong ano ang kanilang gagawin pag nahuli sila…wala na oy lumang idea nayan,”
sabi ni C. Sarmiento

“Painumin ng lambanog ang babaeng yan para mahimasmasan paano pa kapag di nahuli yan perwisyo sa lipunan ang hayup na yan,” sabi ni D. Natalac.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén