Local News

Panoorin: Babaeng Pasaway sa Loob ng MRT, Nagtanggal ng Face mask at Shield para Mag-Selfie!

Source: GMA News

Kumakalat ngaoyn ang video kung saan makikita ang isang babae sa loob ng MRT na walang pakialam sa mga kasabay niyang pasahero. Tinanggal kasi nito ang kaniyang face mask at face shield para mag-selfie.

Ang babae ay sinita ng kapwa pasahero niya pero imbes suutin na ang kaniyang face mask at face shield ay itinuloy pa rin ng babae ang pagse-selfie. Matapos ang ilang segundo ay saka na lamang sinuot muli ang kaniyang face mask.

May martial daw na nababantay noon sa MRT pero pinaniniwalaang nasa kabilang dulo ng bagon.

Ayon sa kumuha ng video, kailangan magtulungan sa panahon ng pandemiya para hindi kumalat ang sakit.

“Hindi biro ‘yung ginagawa niya. ay mga kaibigan ako na nag-positibo na. May naka-survive at meron hindi, kaya nakakatakot… Magtulungan tayo… Hindi makikibit balikat tayo, mamaya may dala pa iyang virus, mahawa tayo at uuwi ka sa pamilya mo,” sabi ni Jnalyn Caadan.

Ang babaeng pasaway ay hina-hunting na ng awtoridad at pinag-aarala na rin ng gobyerno ang iakakaso sa babae.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén