Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Babaeng Siga, Nanabunot at Nangaladkad ng Estudyante!

Kumakalat ngayon sa social media ang video ng pananakit ng isang babae sa kapwa nito mag-aaral.

Mapapanood sa video kung paano nakipagtitigan ang sigang babae sa biktima nito. Makikita rin sa viral video na sinusubukan pa ng biktima na umalis pero panay ang hatak ng sigang babae sa damit nito. Ilan sandali pa ay bigla na lang hinatak ng sigang babae ang buhok ng biktima at kinaladkad sa lapag. Sinubukan pa daw awatin ng kapatid ng biktima ang sigang babae pero wala rin itong nagawa. Sa huli, napa-upo na lamang sa lapag at humagulgol ang biktima. Matapos na kaladkarin ng babae ang biktima ay makikitang ngingiti-ngiti pa ito. Nangyari ang insidente sa San Pedro Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ayon sa tiyuhin ng biktima na si Felix Ringor, hanggang ngayon daw ay traumatized pa rin daw ang pamangkin dahil sa ginawa ng sigang babae. Gusto ng mga kaanak ng biktima ng hustisya sa ginawa sa kanilang kapamilya.

Base sa ulat ng DZRH News Television, pumalo na raw sa lagpas 50,000 ang views ng video at umani rin ng negatibong komento mula samga netizens.

Naririto po ang reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa ginawa ng sigang babae.

“Buwisit talaga oh sobra na ang mga kabataan ngaun kung manakit sila wagas hindi iniisip ang kahihinatnan ng ginawa niya.parusahan niyan para ndi pamarisan,” sabi ni L. Ibarra.

” Dapat po syang dalhin sa DSWD para makausap at Kung pwede Lang Doon muna sya ilagay .Ng ilang buwan para malaman nya na masamaang kangyang gingawa..kausapin din Ang mga magulang kung bakit naging astang barumbado ang kanilang anak ..Sana nabantayan nila at naalagaan Ng husto ..
Kung maaari Sana ..yong mga batang nasaktan Ng batang Yan eh ….mag demanda sila para mabigyan Ng kaukulan aksyon ..
Naway magtanda na sya ..at pag bayaran lahat Ng ginawa Ng pananakit at sa magulang Ng batang Yan ..naway mabigyan din Ng tamang disiplina,”
sabi ni Z. Pagulayan.

Source: DZRH

Leave a Reply

Theme by Anders Norén