Local News

Panoorin: Babaerong Mister, Pinerahan at Pinagpalit ang OFW na Misis na Nagkasakit sa Ibang Bansa!

Isang ginang ang lumapit kay Raffy Tulfo para isumbong ang kanyang dating kinakasama. Ayon kay Rosalie Adlawon, 43-anyos, nais daw niya mabawi ang mga pera at gamit na naipundar mula kay Jones Atico, dating niyang kinakasama.

Si Adlowan ay isang overseas Filipino Worker sa Kuwait. Ipinakita nito ang mga ebidensiya na mga pagpapadala niya ng pera kay Atico. Ang himutok ni Adlowan, inaakusahan daw siya ni Atico na nanlalake sa ibang bansa pero may patunay daw siya na si Atico ang gumagawa ng pagtataksil.

Todo tanggi pa si Atico na nambabae siya pero ipinakita ni Tulfo ang litrato kung saan makikitang may ibang babaeng nakahiga sa dibdib nito.

Ayon kay Adlowan, nagkasakit na raw siya at nakakaranas ng pang-aabuso ng amo sa Kuwait.

Nag-alok si Tulfo na tulong kay Adlawan. Nagbanta rin si Tulfo kay Atico na ipapademanda ito at ipapatanggal sa trabaho. Inabisuhan ni Tulfo si Adlawan na magpadala ng Special Power of Attorney nagbibigay permiso sa kanyang pinsan na si Rolly Adlawan para maging representative sa korte.

Basahin ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa sinapit ng OFW.

“Bwesit ka klasing lalaki wala kang kwenta di mo ba alam buhay ang kapalit sa trabaho nila.saan ang icip mo ang unawa mo,” sabi ni L. Gallego.

“Na pa iyak din ako D2 .tama ka ate.pera lang yan at my puso ka alam ko md ka pa ba bayaan ni God.God bless kabayan,” sabi ni B. Lentija.

“Ay bakit pa bibigyan eh pariho sila may trabaho. Nakaka hiya naman lalaki bibigyan or papdalhan nang pero. Eh ako nga mas nagagalit pa ako kung papadalhan ako ng pera. Kung pareho may trabaho kayo. Tapos abroad ang isa. Dapat yong nasa abroad mag saving at alalay lang sa mister na construction worker,” sabi ni F. Gempasaw.

Source: Raffy Tulfo in Action

Leave a Reply

Theme by Anders Norén