Local News

Panoorin: Baby na Dinukot ng Yaya, Naibalik na! Dorobong Yaya, Nagmukhang Multo!

Naging viral at usap-usapan sa social media si Baby Taylor Hayley Victoriano, ang sanggol na tinanggay ng yaya nito. Ang yaya ay halos isang linggo pa lang na namamasukan kay Ginang Princess Jean Perrin.

Base sa salaysay ni Ginang Perrin, mahimbing na natutulog daw sila ng kanyang partner, at nang magising sila ay nagulat na lang sila dahil wala na ang kanilang anak sa loob ng bahay nila, pati ang yaya nito ay wala na din.

Sapul sa closed-circuit television (CCTV) camera kung paano dinukot ng yaya si Baby Taylor.

Ayon sa Taxpayer Identification Number (TIN) at barangay clearance na isinumite ng yaya kay Ginang Perrin noong ito ay nag-a-apply pa lamang, nakilala ito na si Kristine Joy Morrera Salik. Pero ayon sa mga otoridad, posibleng peke ang pangalan na ginamit ng yaya.

Nagtungo na rin ang mga alagad ng batas ang address sa ID ng yaya, subalit walang nakakakilala kay Salik.

Ayon sa ilang saksi, amataan umano ang sanggol sa Montalban.

Ngayong araw ay nabawi na ang sanggol na si Baby Taylor sa tulong ng programa ni Raffy Tulfo. Sa naturang programa, lumabas din ang yaya upang sabihin ang dahilan kung bakit niya tinangay ang bata. Ayon kay Salik, kukuha lang daw siya ng padala at isinama ang sanggol. Naka-usap din daw niya ang lolo ng sanggol na si Sir Isagani at pinayagan daw siya na dalhin sa mall ang anak ng kanyang amo.

Ang pahayag ni Salik ay agad pinabulaan ni Isagani.

“Ay wala akong sinasabi ganun na itakas mo ang bata… Hindi ko alam iyan… Ang alam ko lang ay itinakas mo ang bata,” sabi ni Isagani.

Panoorin ang kabuuan ng panayam ni Tulfo sa pamilya ng sanggol at sa yaya.

Source: News5 | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: