Local News

Panoorin: “Bakuran mo, Linisin mo!” Ben Tulfo, may Banat kay Mayor Isko

Sa kanyang programa sa Youtube nitong ika-15 ng Nobyembre, nagbigay ng matinding mensahe ang beteranong mamamahayag na si Ben Tulfo kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Ito ay tungkol sa tauhan ni Mayor Isko na ginagamit ang sasakyan ng gobyerno para sa personal na gawain.

“Tulad ng pagwa-warning warning mo sa mga taong sinasabi mong mahuhuli mong mag-spray paint diyan sa underpass padidilaan mo. Oh ngayon, ang gusto ko naman gawin sa iyo Mayor Isko, magbigay ka ng warning at sasabihin mo na ‘Ang sinumang gumagamit ng mga pulang plaka (para sa personal na lakad)’ ay padidilaan mo ang plaka” sabi ni Tulfo.

Sa surveillance na isinagawa ng team ni Tulfo, makikita ang government issued vehicle na ginagamit pang-karga ng mga beer sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ng city administrator ng Maynila na si Felixberto Espiritu.

Ayon kay Tulfo, nagpadala na raw sila ng liham kay Mayor Isko. Umabot ang tatlong linggo pero wala silang natatanggap na tugon.

Nagtungo na din daw ang team ng BITAG sa Manila City Hall para maka-usap si Mayor Isko pero hindi daw pwedeng humarap ang Punong Lungsod noong panahon na iyon.

“Baka binubulungan kayo niyang (city administrator). Baka hindi nakakaabot sa iyo (ang sumbong namin) dahil busy kayo sa paglalakad-lakad. Dito sa akin, gagawin kitang busy ngayon. Either you ignore me or you don’t. What’s important ay malaman ng taong bayan. This is not politics. This is public service,” sabi ni Tulfo.

Hindi rin nakaligtas kay Tulfo ang Chief of Staff ni Mayor Isko na si Cesar Chavez dahil pagpapahintay umano sa team ni Tulfo kay Mayor Isko.

“Ikaw naman Cesar Chavez, bibigyan ka namin ng respeto… Kung hindi mo kilala ang BITAG, hindi kami showbiz. Kung nasanay ko doon sa showbiz style na luluhod sa inyo at hahalik sa kamay ni Isko, that not our job” banat ni Tulfo.

Source: BITAG OFFICIAL

Leave a Reply