Local News

Panoorin: ‘Baliw na Baliw kayo sa Research’ Banat ni Sen. Villar sa Agriculture Department!

“Bakit lahat ng inyong budget puro research? Baliw na baliw kayo sa research. Aanhin niyo ba ang research?”

Ganito ang naging birada ni Senadora Cynthia Villar sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) nang makita na naglaan ang ahensiya ng mataas na budget para sa research sa national corn program.

Tila dismayado din ang senadora nang makita niya na naglaan ang DA ng 460 million para sa makinarya.

“150 million sa research. P265 million para sa calamity assistance, and then P468 million lang sa machinaries out of your budget na P1.2 billion,” saad ni Villar.

Banat pa ng seandora, hindi niya maintindihan kung bakit naglaan ng malaking pera sa research ang DA.

“Ako, matalino akong tao pero hindi ko maintindihan ang research niyo. Gusto ba ng farmer ang research? Di ba gusto nila tulungan niyo sila? Bakit lahat ng budget niyo research?… Kung ako farmer, mas gusto kong bigyan ako ng seeds o bigyan ako ng machinary, kaysa kung anu-anong iyan,” ani Villar.

Ito po ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga kababayan natinsasinabi ni Senadora Villar.

” Hindi po yun kung anu-ano lang. What you have said, the seeds (good quality seeds), the machineries (well equipped and innovative) are all products of research. Filipino scientists, whether from small or big scientific communities working hard to do corn-related researches which are useful for our farmers. So never say “Kung anu-ano lang” dahil kumakain kayo or gumagamit for sure ng fresh or processed or product developed corn na sa tingin ko po ay products ng ni-la lang nyo lang na research,” sabi ni N. Panganiban.

“Ang punto malaki ang budget sa research. Kunti nalang budget napupunta sa farmer . Yun ang punto ni madam cyn. Pambili sana ng machine at seeds at iba pa.. para bumaba ang production cost ng mga farmer natin,” sabi ni V. Delima.

Source: News5

Leave a Reply