Local News

Panoorin: Bata, Patay nang Paliguan ng Saksak ng Kinakasama ng Ina!

Binawian ng buhay ang isang 8-anyos na bata na si Zafiro Gaila matapos niyang protektahan ang nanay niya laban sa karelasyon nito na si Bryan Fajardo.

Ayon sa ulat ng GMA News, sinasaksak daw ni Fajardo si Marjorie Magno nang pumagitna ang bata. Dito na raw ibinaling ng suspek ang galit nito sa bata.

Sinubukan pa raw ng bata na tumakas pero hinila pa raw ito ng suspek.

Ayon sa paunang imbestigasyon, madalas nag-aaway ang mag live-in partner. Bago daw ang krimen ay nagtalo muli ang dalawa dahil nahuli ni Magno na may ka-text si Fajardo.

Nang maka-tiyempo ay humingi ng tulong si Magno sa mga kapit-bahay at tano upang huliin si Fajardo.

“‘Yung live-in partnet ang unang sinaksak. Nakita daw niya at nagdilim ang paningin niya. Pati ang bata na umaawat ay sinaksak niya na rin,” sabi ni Mabalacat City Police Station Chief P/LT. Col. Rossel Cejas.

Narito ang reaksyon ng ilang netizens sa krimen.

“For me much better before you enter into another relationship with someone else specially if you are a single mom or even dad you have to consider many things take your time to know fully the person even if it takes too long at least you and your children are safe and secure and don’t forget to be aware as always inside and out with your family”

“Hanggat walang death penalty, lalakas lang lalo loob ng mga taong may masamang binabalak sa kapwa. An eye for an eye… Mawawalan na ng takot sa diyos at sa batas ang mga pilipino”

“8yrs akong solo parent dahil mas mahal ko aking mga anak…bakit yung ibang babae dba pwede mabuhay pag walang kasamang lalaki….naiinis talaga ako sa gnitong setwasyun anak ang maapektuhan”

Source:GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén