Local News

Panoorin: Batang Hamog, Walang Takot na Naninira ng Dumadaang Sasakyan sa Maynila!

Sapul sa dashboard camera ang paghataw ng batang hamog sa lock ng delivery truck. Gamit ang isang matigas na bagay, pilit na pinaghahampas ng bata ang lock pero hindi ito bumigay. Ang insidente ng tangkang pagnanakaw ay nangyari sa Road 10, Tondo, Manila. Mapapansin na ginawa ito ng batang hamog kahit na hindi pa madilim.

Habang isinusulat ang blogpost na ito ay umabot na sa lagpas 6,000 ang nag-sahre ng video at daan-daan na rin ang nagkomento dito.

“Mayor ! Hindi po ba natin matangal ang mga batang hamog? Wala pong silbi ang baràngay dyan at dapat yàn àng kanilang binabantayan! Sana po magawan yàn ng àksyon? Salamat po sir,” sabi ni M. Masangkay.

“Etong mga taong ito dapat ang dinadala sa mga island natin na walang tao e. Para naman meron silang silbi. At the same time di makakamkam ng banyagang bansa yubg mga teritoryo natin kasi may nakatao,” sabi ni C. Dela Cruz.

“Mga batang rugby boy yan. Pag nahuli yan sasabihin ng magulang niyan d yan gawain ng anak niya. D ako nagkakamali marami ng record sa mga bgy yan,” sabi ni R. Recalde.

Magugunita na nitong nagdaang mga araw ay may nakunan din ilang lalaki sa Road 10 na nangholdap ng delivery van habang naiipit ang sasakyan sa trapik. Ginawa rin ito ng mga lalaki kahit hapong tapat. Matapos kumalat ang video na panghoholdap ng mga lalaki, agad pinakilos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang otoridad at naiprisinta sa publiko ang isa sa mga suspek.

“Itong mga lokong ito, hindi na nangunguha ng gamit sa truck, pinapasok na ang driver. Di ba? Anyway, nag-alala ang mga netizens sa nag-viral na video. So, immediately the special reaction team reacted on the matter at hinanap ang mga tolongges na ito. At sa awa ng Diyos, ito na po siya,” sabi ni Mayor Isko.

Source: Jaycen Galang

Leave a Reply

Theme by Anders Norén